- Almira -
Nanatili akong nakaupo dito sa sulok ng kama habang nakataas ang dalawang binti at yakap ang sarili. I've been waiting for him to come back. Alam kong magbabago pa ang isip niya kagaya ng naging usapan namin kagabi.
Umaasa ka pa talagang babalik siya? Tsk!
Would you please stop?
Napapikit ako nang marinig nanaman ang isang boses sa aking loob. Hindi ko nagawang matulog buong gabi simula nang mag-usap kami. I know he will let me sit there again. I know na papayag siya. Kaya ko nga siya hinihintay ngayon. I even asked him to come back with a positive response dahil alam kong kaya niya akong iupo ulit doon.
Ts! Parang hindi ka pa nasanay sa mga tao. Puro sila pangako pero hindi naman tinutupad. Wake up, could you?!
"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na lang," mahinang saad ko. Napahawak ang dalawa kong kamay sa kama habang kinakausap ang sarili.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan kaya napatingin ako roon. Sumalubong sa akin ang isang pamilyar na nurse na ngayon ay may hawak na tray. Katulad ng mga ibang nurse ay puti ang kanyang suot at may nakalagay rin na puting nurse cap sa kanyang ulo. Pagpasok niya ay mabilis nitong isinara ang pintuan at lumapit sa lamesa. Ipinatong niya ang tray doon at saka ako hinarapan.
Ramdam ko naman ang pagtulo ng aking pawis, "Almira, are you okay?" bahagya pa siyang lumapit sa akin at yumuko para tapatan ako na siyang nakapag-payuko sa akin, "May masakit ba sa'yo? Tell me."
Kusa akong umiling at hindi kumibo hanggang sa bahagya siyang ngumiti, "Basta kung may nararamdaman kang hindi maganda, sabihan mo ako. Buti na lang at si mama ang nakakita sa'yo kagabi. Kahit napagalitan ako, at least I know that you were safe. Buti na lang at walang nangyaring masama," kusa akong napatingin sa kanya.
"N-Napagalitan?" utal kong tanong ngunit mahina lang. Ayaw ko pa rin naman ng kausap pero simula nang maupo ako roon. Alam kong may nagbago sa akin kahit konti.
Tumango siya at nginitian ako, "Oo eh. Ikaw kasi, bakit mo ako tinakasan? Huwag mo ng uulitin 'yon ah? Baka mapano ka?" sabay tayo niya ng diretso.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka. Sa tuwing may marka siya sa likod ng batok nito, napakasama ng ugali niya at pinagtatawanan lagi ang sitwasyon ko. Kapag wala naman siyang marka, sobrang bait sa akin. Katulad nung lalaki kagabi, mapagpanggap din ang taong kaharap ko ngayon. Kaya isa 'yon sa dahilan kung bakit ayaw ko silang kausap.
Pansin naman niya na napapatingin ako sa likuran ng batok nito, "May problema ba?" aktong hahawakan niya ako ay umiwas ako kaya natigilan siya.
Napatingin ako sa labas nang matanaw ko ang mga tao na naglalakad at papunta sa kung saan kaya napatingin na rin siya roon at hinarapan ako, "Oh sige, since medyo maaga pa naman. Gusto mo bang sumabay tayo sa kanila?" mabilis ko siyang tinignan kaya nginitian niya ulit ako.
"Gusto mo bang lumabas muna?" tanong pa niya. Tumango na rin ako agad.
Tinignan nito ang kanyang relo at muling nagsalita, "Oh sige, pero sandali lang tayo ah?" tumayo ako agad kaya hinawakan niya ako sa braso para alalayan. Hindi ko ba alam... p-pero parang nakaramdam ako ng tuwa.
"But promise me," sabay turo niya sa akin, "Na hindi mo na ako tatakasan ulit?" binigyan ko siya ng matipid na ngiti hanggang sa talikuran niya ako, "Alright, at least you smiled. Sige, tara na."
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22