- Lia -
"Ayos ka lang ba?" mula sa pagsusulat sa papel ay napatingala ako nang may lumapit na dalawang babae sa tapat ng lamesa ko.
Kasalukuyan akong gumagawa ng homework habang busy naman ang buong klase sa kanya-kanya nilang mga gawain.
May mga nagdradrawing ng kung anu-ano sa blackboard. May mga kumakanta at nag-gigitara sa likuran. Sa gilid ko naman ay maingay ang mga babae at nagsisitawanan na parang wala ng dadatnan na bukas. Habang ako eto, tahimik lang.
Pilit pinapakalma ang sarili.
Umupo ang kambal na babae sa magkabilang gilid ng lamesa ko at masama silang ngumiti sa akin.
"Oo naman. Mukha bang hindi?" pinilit kong ngumiti kahit konti.
"Anong feeling ng naagawan?" tanong pa ng isa at saka sila nagkatinginan at parehong natawa na halatang nang-aasar.
"Pwede ba tigilan niyo 'ko?" seryosong saad ko, "At isa pa, pwede bang manahimik kayong lahat?! Marereport nanaman tayo sa pinag-gagagawa ninyo!" dahil sa ingay ng paligid ay napatayo na ako at napasigaw dahilan para malipat sa akin ang atensyon ng buong klase.
Natahimik sila habang nakatingin sa akin, "Baka nakakalimutan mo, hindi na ikaw ang class president. Kaya wala kang karapatan na sigaw-sigawan kami," saad pa ng isa sa kambal kaya sinamaan ko siya ng tingin.
How come did I forget?
"Stop acting like you own us, girl. Eh simula't umpisa wala ka naman talagang panlaban sa class president natin ngayon," pagdiin pa nito sa bawat salitang binibitawan.
Hindi na ako nakatiis pa at malakas siyang sinampal dahilan para mapahawak siya sa kabilang lamesa na halos ikasubsob na niya at gulat na napahawak sa pisngi nito. Mas lalong natahimik ang klase na halatang nagulat sa ginawa ko.
Ito nga pala yung pinagpalit niyo sa babaeng 'yon!
Hinarapan pa niya ako kaya tinapatan ko siya, "Matagal na akong nagtitimpi sa'yo dahil ako ang presidente niyo. Pero ngayon, hindi kita uurungan. Kaya isang beses mo pa akong lapitan, ipapalunok ko sayo lahat ng nandito sa classroom na 'to!" banta ko.
"Wala ka talagang hiy— " aktong lulusubin ako ng kambal niya ay mabilis ko rin itong sinampal ng malakas.
Katulad ng kakambal niya ay gulat itong napatingin sa akin at napahawak sa pisngi niyang namumula, "Isa ka pa!" sabay duro ko rito, "Huwag na huwag niyo akong hahawakan at kakausapin magmula ngayon— "
"Pres— "
"At huwag na huwag niyo na akong tatawagin sa palayaw na yan!" sabay duro at sigaw ko sa lalaking nagsalita, "Hindi ba hindi na ako ang presidente niyo?! Pwes dun kayo sa kanya!" sabay turo ko sa labas at pinagtaasan sila ng kilay.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. I could see how chaotic the classroom is. Masyado ng nanginginig ang kalamnan ko kaya mabilis kong inilagay ang notebook at ballpen sa bag bago ko ito kinuha at lumabas ng classroom.
Sa ngayon, wala akong ibang nakikita kundi ang daan papunta sa kanya.
Hayop siya!
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22