24: Lethiferous

65 5 0
                                        

Continuation...

"Pero kung hindi dahil sayo, hindi madagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon! Matagal na akong gising... " tuluyan siyang naiyak at inilingan ako.

Maski ang pagsasalita ay halos nanginginig na, "Ayaw ko lang bumangon kasi ayaw kong maramdaman yung sakit sa katawan... sakit sa isip, at sakit sa puso. Kaya dinaan ko sa tulog. Pero alam mo ba? Hanggang sa pagtulog ko, dinadalaw ako ng mga oras na humihingi ako ng saklolo sa kwartong yon pero hindi ka dumating. Hindi ka bumalik! Ilang beses akong nakiusap pero hindi ka nakinig!!!" just after that, she had her way running towards me.

Sobrang talim ng mga tingin niya at halos lumuha na siya ng dugo. The way she holds that thing towards me, I guess she really wants to kill me because of the pain I've caused her.

Matagal na pala siyang gising, but she pretended asleep as not to feel the pain.

And it was all my fault.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang papalapit siya sa akin. Dunno but I just wanna let her do as she wants so I remained standing. 

"Kumalma ka, pwede ba?!" pagharang ni Chase. Napansin ko na lang na hawak-hawak na siya nina Jio para pinigilan siyang lusubin ako.

"I will kill you! Papatayin kita!" saad ni Almira sa akin habang nagpupumiglas sa dalawa. Pilit pang kinukuha ni Jio ang hawak niya.

In a second, bigla na lang niyang nahawi ang hawak nitong salamin sa direksyon ng dalawa dahilan para mabitawan nila siya at kusang mapaatras. May daplis si Chase sa kanang leeg habang sa dibdib naman si Jio. Pareho nilang tinatakpan ang kanilang mga sugat na nagdurugo katulad ko.

Maski si Almira ay natigilan nang mapansin niya ang nagawa niya sa kanila. Napako sa kanila ang tingin niya at napailing, "Hindi ko 'to gusto," napakayuko ito at mas nanginig pa ang kanyang kamay. Tinignan niya ako at paulit-ulit na umiling hanggang sa mabitawan niya ang hawak nito at gumawa ng ingay nang mahulog sa sahig ang salamin, "K-Kasalanan mo 'to."

Tumakbo siya papalapit sa akin at mabilis akong nilagpasan, I was about to stop her but then, "Almira, wai— "

Sabay kaming natigilan nang pabagsak na bumukas ang pintuan kaya humakbang si Almira paatras. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang pigura sa harapan niya. Wala sa pagdadalawang-isip noong sinipa si Almira sa sikmura dahil para mapaatras ito at mapaupo sa sahig. 

Ibinalik ko ang tingin sa pintuan hanggang sa humakbang papasok ng kwarto si Razelle. Katulad ni Almira ay matalim din ang tingin niya rito, "Finally, nahanap ka rin namin," sabay ngiti niya ng masama at napatingin sa amin. Kasama rin niya ang grupo nito.

Isa-isa niya kaming tinignan hanggang sa mapansin ang dumudugo naming mga sugat, "So, Alyana was right all along," nagkibit-balikat siya at hinarapan si Almira, "Ikaw ang dahilan kung bakit nawawala ang presidente at ang mga kaibigan nito. You were even planning to kill them," mabilis siyang lumapit kay Almira at pinisil ang magkabilang pisngi nito kaya napatingala siya.

"At sino ka para saktan ang presidente?" matalim at seryosong tono ni Zelle.

"Hey," lumapit ako at tinanggal ang pagkakahawak ni Zelle sa kanya sabay turo ko sa labas, "You and your team, get out," seryoso kong sabi na ikinalaki ng mata niya.

"What?! Harris, look. We just saved you, tapos ngayon palalabasin mo kami?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

"You didn't save me because from the first place, wala ako sa panganib. So leave and pretend like you've seen nothing," utos ko.

The Possessed PresidentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon