11: Cockaigne

55 2 0
                                    


Flashback...

Wala sa pagdadalawang-isip kong hinawakan ang kamay niya gamit ang dalawa kong kamay bago pa man siya tuluyang makalabas, "Please," pakiusap ko nang tignan niya ako.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya binitawan ko siya. Kung kinakailangan kong umiyak ay gagawin ko para lang magmakaawa sa kanya.

"Payagan muna ako. I want to be on that seat again," dagdag ko pa.

Muli niya akong tinalikuran at iniikot ang door knob ng pintuan. Tumingin ito sa gilid niya bago nagsalita. Bahagya ko pang nakikita ang itsura nito dahil sa liwanag ng buwan, "No. My mind won't change," aktong lalabas siya ay muli kong hinawakan ang kamay niya para pigilan ito.

"Bakit hindi pwede? N-Nagawa mo naman akong iupo don dba?" halos maiyak na ako para lang mapapayag siya.

I admit that at first, I wanted to tell their mama everything. Pero simula nang maranasan ko ang pag-upo roon ay parang hindi na maalis sa isip ko at gustung-gusto kong balikan.

Hindi ko siya paaalisin hanggat hindi siya pumapayag. Bahagya ko pang hinila ang kamay niya para lang pigilan siya.

"Sige na. P-Pumayag ka na."

Mabilis siyang humarap sa akin kaya diretsong nagtama ang mga mata namin. Seryoso ang mga 'yon at sa iilang segundo na nagkatitigan kami, kusa kong nabitawan ang kamay niya bago napahakbang ng isang beses paatras. Hindi ko ba alam kung nag-iilusyon ako o ano, dahil parang natanaw ko ang mga mata niyang naging kulay pula.

"You should not experience the mind seat again. At hanggat nandito ako, walang sinuman ang mag-uupo sa'yo don," matatalim din ang tingin niya sa akin.

Tinalikuran niya ako at binuksan ang pintuan kaya agad akong lumapit sa likuran niya, "Hihintayin kita hanggang bukas," pahabol ko. Dahil doon ay natigilan siya.

"Pwede pa namang magbago ang isip mo dba? Hihintayin kita," ani ko. Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas at pabagsak na isinara ang pintuan.

End of flashback...



Mabilis kong isinara ang pintuan para walang makapansin sa pagbaba ko rito. Naalala ko kasi ang naging usapan namin kagabi, at alam kong wala siyang balak na balikan ako. Hindi na nga siguro talaga magbabago ang isip niya.

Kaya wala akong choice kundi sundin ang gusto niya.

But you don't need his permission after all, Almira. Hayaan mo siya.

Napatango ako.

Tama.

Tumalikod ako hanggang sa matanaw ang madilim na hallway kung saan may daan papuntang kanan.

Tama ka. Dapat hayaan ko na lang siya. Hindi ang lalaking 'yon ang magdedesisyon sa kung ano ang gusto kong gawin dahil buhay ko 'to. And I know what's best for me.

Pagkarating ko sa gitna ay natigilan ako at humarap sa kanan. Katulad ng inaasahan ay hallway ulit ang sumalubong sa akin ngunit hindi mailaw ngayon. May mga kwarto at bawat isa rito, may mga upuan. Nandito pa rin ang mga neon lights na nakaporma para buuin ang salitang 'Mind Games' ngunit kasalukuyan silang hindi nakailaw.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon