- Eros -
Dito nila ako dinala pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nakapalibot sa akin ang mga rehas kaya wala akong ibang ginawa kundi umupo sa gilid habang nag-iisip. Hindi nagtagal ay nagpasya akong tumayo dahil mula sa baba, may naririnig akong mga bulong at hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga bulong na 'yon. Tila isa itong dasal kaya sumilip ako sa baba para alamin kung anong nangyayari.
Mula dito sa taas ay tanaw na tanaw ko roon ang naglalagablab na apoy na kasalukuyang nilalamon ang isang kahoy na kulungan. Sa paligid noon ay nakapalibot ang mga kasamahan ng presidente. Wala silang kibo habang pinapanood ang umaapoy na kulungan. Hindi ko man makita kung may tao man sa loob pero paniguradong mayroon dahil ganito rin ang ginagawa sa amin sa lugar na 'yon.
Nang ilibot ko pa ang tingin, tanaw ko ang dalawang tao na nakabaling ang buong atenyon sa kulungang nilalamon ng apoy. Si Niebes at ang kasama nito na hindi ko makilala ngunit ramdam kong isa iyong malakas na juable base sa nararamdaman kong lakas niya. Masama ang ngiti nilang pinapanood ang kulungang nasusunog.
Pumikit ako para alamin kung sino ang nandon sa loob.
El habas del eim.
Mula rito sa taas ay tila mabilis na lumilipad ang bisyon ko pababa hanggang sa lumapit yon sa kulungan. Pinasok ko ang apoy hanggang sa marating ng aking bisyon ang loob ng kulungan. Isang babae ang kasalukuyang pinalilibutan ng apoy. Hindi man siya nasusunog pero kapag nagtagal pa siya rito ay kakainin na rin ng apoy ang balat nito hanggang sa buong katawan niya. Nakatingin ito sa kawalan ngunit sumisigaw sa sakit ang kanyang mga mata na ngayon ay nababalutan ng dilim.
No wonder, sa sobrang tahimik ng lahat, malamang ay ginamitan sila ng mahika kaya wala silang kibo.
Binuksan ko ang mga mata kaya tila bumalik ako rito sa taas. Lahat ng bagay na gustong sabihin at ilabas ng presidente, ako na ang gumawa kanina sa gym. Pero hindi ko alam na magagawang paikutin ni Alyana at Mama ang lahat. Nagawa nilang baligtarin si Harris.
Gustuhin ko man silang tapusin pero may pumipigil sa akin. Hindi ako makapaniwalang napangiti at umiling. Hindi ako nakakibo kanina kahit gustuhin kong manlaban at dumepensa. Maybe because kahit wala rito ang presidente, malakas pa rin ang kontrol niya sa katawan kaya hindi ako malayang makagalaw. Maski ang takot at panginginig ng katawan niya ay nagagawa akong lamunin.
You are indeed a strong human, Harris. Kaya hindi ako nagkamali ng pinili para saniban. Ikaw nga talaga ang kasangkapan para mahanap ko ang dapat kong hanapin.
Alam kong hirap na hirap ka na kaya ako na ang naglabas ng lahat ng kinikimkim mo. Pero sa huli, hindi pa rin sila naniwala sa atin, sa 'yo.
Gustung-gusto kong sakalin ang dalawang yon pero dahil sa kabaitan mo ay hindi ako sinusunod ng katawan mo. Bakit ba ang sungit ng presidente? Minsan na lang nga ako pahiramin ng katawan, lilimatahan pa ako sa mga bagay na gusto kong gawin.
Habilis fer hom. Hindi ako makapaniwala.
Alam kong gustung-gusto mong tulungan ang babaeng yon. At dahil hindi tayo parehong mag-isip. Hahayaan kitang makita kung ano ang nangyayari. Sana lang ay magtagumpay ang naiisip kong plano ngayon bago kita pabalikin.
- Harris -
Nagmulat ako ng mata hanggang sa matagpuan ang sarili sa isang pamilyar na lugar. Tinignan ko ang paligid. Ito ang nag-iisang kwarto na puro rehas ang nakapalibot. Dito kadalasang ikinukulong ang mga may sala, lalo na sa mga nagsisinungaling at hindi sumusunod sa alituntunin. Pero bakit nandito ako?
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Детектив / Триллер(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22