32: Nebulochaotic

31 2 0
                                    

- Yesha -

"S-Si Harris!" sigaw ng isa na itinuro pa ang presidente.

"Mr President, anong nangyari sa'yo?! Bakit ang tagal mong nawala?!"

"Saan po kayo galing pres?!" dagdag pa ng isa. Mga reaksyon nila parang may patay na biglang nabuhay. Ts ang o-OA.

Nagsitayuan sila at lumapit sa amin pero sandali lang ang mga oras na 'yon nang humarang si Razelle sa kanila kaya natigilan sila. Hinarapan niya kami at nagkibit-balikat ito, "Mr president, I'm glad you're back. We should be celebrating but I assume you have to explain kung bakit kasama mo yang babae na yan, knowing na niloko niya tayong lahat at nagpanggap siyang may sakit?" seryosong tanong niya na nagtaas ng kilay at tinignan si Almira. Halatang kinekwestyon niya pa nga si Harris.

Napatingin ang lahat kay Almira kaya humarang ako para itago siya sa likuran ko, "And if that is really true, sa tingin mo ba ipagtatanggol ko siya, Zelle?" sagot ni Harris gamit ang sarkastikong tono kaya napako ang tingin ng lahat sa kanya.

Hindi kasi siya ganito magsalita. He's always serious but not like this. Ibang tao nga talaga ata ang kasama namin ngayon.

"Pero may medical result, may ebidensya Harris," diin ni Zelle.

"At ako ang nagbigay ng ebidensya na yon kay Lia."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Zelle.

"I was just wondering... paanong pangalan ni Almira ang nakalagay don when in fact, it was really Alyana's medical result."

Nag-umpisang magbulungan ang lahat na siyang nakagawa ng ingay sa buong gym. Nanatili namang nakatingin si Zelle kay Harris.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong pa niya.

"Tingin mo ba pipiliin ko pang itago si Almira kung alam kong nagpapanggap siya at niloloko tayo? Why? Ano bang tingin niyo sa akin? You really think I would defend a liar?" -Harris

"P-Pero base sa sinabi ni Aly— "

"And you actually believed her?" sabay ngisi ng masama ni Harris. Tinignan niya pa nga ang lahat at napailing na parang hindi makapaniwala, "Sinungaling ang babaeng 'yon."

Myghad, ang creepy niya ngayon. Naging ganyan siguro talaga ang epekto ng kasamaan ni Alyana kaya ganito umasta si Harris ngayon.

"N-No, imposible yang sinasabi mo. Alam nating lahat na may sakit si Alyana," sabay tingin pa ni Zelle sa likuran para harapan ang mga kasamahan. Halatang naguguluhan ang lahat at hindi makapaniwala sa mga naririnig nila ngayon.

"And I know things better, Zelle. Kaya maniwala kayo sa akin."

"Alyana would never do such thing," pag-iling pa ni Zelle.

"Nagawa na nga niya dba? Pangalan ni Almira ang pinalit niya sa papel. She might also be the reason for Lia's disappearance."

"Pero nung nawala si Lia, sugatan si Alyana. Ang sabi niya nakita niya kayo ni Al— "

"Since my disappearance, hindi na kami nagkita ni Alyana. Especially hinding-hindi niya makikita si Almira dahil itinago ko. At paano niyo sasabihing may alam din si Almira sa pagkawala ni Lia, eh kasama ko siya simula nung hindi ako nagpakita sa inyo? Isn't that right Chase?" sabay tingin niya kay Chase na nandito rin pala, "Jio?" tinignan niya rin si Jio ngunit walang kibo ang dalawa.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon