4: Fantod

132 3 0
                                    



Faster. I have to run faster. Bilisan mo pa ang takbo. 





Or else, they will catch you. 





Simula nang magtama ang mata namin ng babae kanina ay mabilis akong nagtago at kumaripas ng takbo. Bigla ko na lang kasing naramdaman na hindi naging maganda ang pagtatama ng mga mata namin. Napatingin ako sa likuran at tama nga ang aking hinala. Lumabas silang tatlo mula sa kwarto at kitang-kita ko ang matatalim nilang tingin sa akin na tila hindi rin mapakali. Sa kabilang direksyon pumunta ang babae habang nag-umpisa naman akong habulin ng dalawang lalaking kasama nito. Alam ko naman na wala na akong iba pang madaraanan kaya binalikan ko ang lugar kung saan ako nahulog kanina. 





Tama. Huwag na huwag kang magpapahabol sa kanila. Ibabalik ka nila doon. Ibabalik nila tayo, Almira. 





H-Hindi nila ako pwedeng mahuli. Kailangan kong bilisan. 





Dahil doon ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo at nang makarating ako sa dulo kung saan ako nahulog at nadulas ay inilibot ko ang tingin dito sa baba at maski sa taas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at sinubukan kong humawak sa mamasa-masang lupa para makaakyat ngunit naging dahilan lang 'yon upang madulas ako. Sinubukan ko ring maghanap ng hagdanan pero wala akong nakita. At sa mismong kinatatayuan ko, wala akong silong kaya muli akong nabasa.





Napailing na lang ako. 





No, they can't find us. Bakit ngayon pa? Hindi nila ako pwedeng mahuli. Please, help me. Someone, help me. 





What the hell are you thinking? Walang tutulong sa'yo. You need to find a way out for yourself, Almira. Wake up!





Why did I almost forget about it? Ano bang iniisip kong klasi ng tulong ang darating sa akin kung sanay naman ako na walang tutulong? At alam kong walang darating na tulong?





Bigla akong natigilan nang marinig ang iilang yapak nang kung sino sa aking likuran. Kasalukuyan akong nakatalikod sa kanila habang nakaharap ako sa mataas at mamasa-masang lupa. Nahulog ako kaya natural lang na ganito ang kaharap ko ngayon imbis na matigas na pader. Hindi ko naman mapigilan ang panginginig dahil sa lakas ng kulog at kidlat na ngayon ay dinig na dinig, ramdam na ramdan at kitang-kita ko. Biglang nawala ang tunog ng paglalakad ng nasa likuran ko at dahil doon ay mas lalo akong nanginig. I can already feel them near behind me.





Anong gagawin ko?





Calm down. Walang magagawa 'yang takot mo. Ano ba?





Sinubukan kong huminga ng malalim pero mas lalong lumalala ang sitwasyon ko. I don't wanna see whose behind me kaya napapikit ako, "Wala ka ng matatakbuhan," dinig kong saad ng kung sino. Dalawa lang naman ang humahabol sa akin kaya paniguradong silang dalawa rin ang nasa likuran ko. 





Ano bang gusto nila sa akin? Balak nila akong ibalik sa taas? Ayaw ko na doon!





Ni hindi ko alam kung anong ginagawa nila o kung may sinasabi pa sila dahil sa lakas ng ulan lang ang nangingibabaw sa pandinig ko. 





Find a way out!





Pero paano?





Nang imulat ko ang mata ay tumingin ako sa itaas ngunit siya namang paghina ng ulan, "Anong ginagawa mo dito?" tanong pa ng kung sino. 





The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon