17: Bellicostic

42 2 0
                                    

- Harris -

Pagkatapos kong iwanan si Almira sa kwartong 'yon, mabilis kong nilisan ang building para lumipat sa kabilang building kung nasaan ang opisina ko. I still have to check on those two kung ano ng nangyari sa kanila at kung anong ginawa ni Eros. Pagkarating sa opisina ay inilabas ko ang susi para buksan ang pintuan but to my surprise, hindi ito nakalock kaya pagkaikot ko sa door knob ay kaagad ring bumukas. Sandali akong napaisip not until I decided to just go inside. Baka nakalimutan ko lang talagang i-lock kanina dahil sa pagmamadali kong umalis. 

I went inside at saka inilagay ang mga hawak kong susi sa cabinet na lalagyanan nito. Baka sa dami ng ginagawa ko ay mawala pa which is why I have to keep them in a safe place first bago bumaba. Pagkatapos noon ay aktong lalabas na ulit ako hanggang sa kusa akong matigilan, "Akala namin hindi mo kami mapapansin," saad nila sa dilim. 

Tumingin ako sa pinakasulok at napansin ang dalawa na nakaupo malapit sa mga book shelves. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil nakatago sila sa dilim. Ano bang trip nila?

 "What are you two doing here? Paano kayo nakapasok?" sabay sara ko sa pintuan at saka sila hinarapan. 

"Chill pres, nakalimutan mong i-lock yung pintuan," sabay turo dito ni Chase. 

Binuksan ko na rin ang ilaw kaya tumambad sa akin ang mga mukha nilang tila nalugi ng dolyares, "And why did you not turn on the light?" sabay turo ko pa sa ilaw kaya napatingin sila roon. 

"Eh kasi," kamot-ulong napatayo si Jio na nilapitan ako, "We're afraid na baka hanapin mo kami at pagalitan dahil hindi namin nagawa yung habilin mo," paliwanag niya na sinundan ni Chase. 

"And one thing, baka kasi hindi ikaw si Harris."

"Hindi nga ba ikaw?" tanong pa ni Jio. Nakuha pa nilang magtinginan na dalawa. I could even feel nervousness from their eyes. As if I do not know na takot sila kay Eros that much. 

"Do I act like f*ckin Eros?" iritableng tanong ko. 

"Good news, Mr. President. We're stable then," napatayo na rin si Chase na halatang nabuhayan kaya tinalikuran ko sila para maupo sa pwesto ko, "I was supposed to go down there to check on you guys. But I'm glad you're finally awake."

"Sabi ko na nga ba, concern ka sa amin eh," pagyayabang pa ni Chase.

"Of course, because I am your president. What happened while I wasn't around?" tanong ko bago tuluyang naupo.

"Well, ayun nga, he was able to take control of your body while you were not around. Pipigilan sana namin kaso may kung ano siyang binulong kaya nawalan kami ng malay. T*nginang Eros yun, ang lakas ng tama pre," paliwanag ni Chase hanggang sa naupo ito sa harapan ko na sinundan na rin ni Jio. 

"But we admit that we're at fault here, kaya para mabawasan ang galit mo sa paghahanap sa amin, pumunta na kami dito," nagkatinginan pa at ngumiti ng malapad ang mga tange sa isa't isa. 

"Kaya sige na, pagsabihan mo na kami, pres. Tanggap naman namin." -Chase

Mas kumunot ang noo ko dahil doon, "And who said that I'd be blaming you? You can never control Eros. Even I can't. What's important, I was able to come back earlier bago pa man tuluyang may nangyaring masama sa estudyanteng inaalipusta niya at pilit pinapakain," paliwanag ko.

"Kapag nga naman sineswerte ka oo, kala namin dadagundong nanaman ang boses mo sa kapalpakan namin," nakangiting saad ni Jio na napasandal sa kinauupuan nito. Ipinagkrus pa niya ang dalawang kamay sa likuran nito at ipinatong doon ang ulo. Tss, insane.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon