26: Dormiveglia

36 1 0
                                    

- Almira -

Hindi ko alam kung bakit.

Basta ang alam ko lang, tumatakbo na ako... kami. Ramdam ko rin ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko habang nakikita ko ang likuran niya. Palinga-linga rin siya sa likuran namin na parang may kailangan kaming taguan. 

May nagawa ba kaming mali kaya parang tumatakas kami ngayon?

Wala rin akong ibang marinig kundi ang tunog ng mga yapak namin. Madilim din sa paligid at liwanag ng buwan ang siyang nagsilbing ilaw sa dinaraanan namin.

Naninikip na rin ang paghinga ko dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo, napapasunod kasi ako sa kanya dahil nakahawak siya sa akin hanggang sa bigla akong nawalan ng balanse dahil sa bilis niya kaya kusa akong napaluhod sa sahig.

Dahil sa nangyari, natigilan siya at hinarapan ako. Sa sobrang lapit na nga rin ng mukha niya ay kitang-kita ko ang pangingintab ng kanyang mata. Hinawakan nito ang magkabila kong balikat, "Almira, you can do it. Kailangan nating tumakbo. Kaya mo yan," hinihingal niyang sabi habang tumitingin sa likuran ko. Napako naman ang tingin ko sa kanya.

Ano ba kasing problema niya? Bakit kailangan naming tumakbo ng mabilis? At bakit hila-hila niya ako?

Stupid, sumunod ka na lang sa kanya.

Napapikit at napailing ako nang makarinig nanaman ng isang boses.

Alam kong takot ka, pero siya lang ang makakapitan mo sa ngayon.

Ayoko! Siya ang dahilan kung bakit muntikan na akong mamatay!

"Almira, please. Tumayo ka dyan. I'm just here, I'll help you," pakiusap pa niya.

Tuluyan kang mamamatay dyan kapag nanatili ka pang nakaupo. So wake up!

Naramdaman kong hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at muling tumakbo kaya sapilitan akong napatayo at napasunod sa kanya. Kitang-kita ko rin ang pagtulo ng dugo mula sa aking kamay at ramdam ang paghapdi dahil sa natamo kong sugat bunga ng pagkakahawak ko sa kapiraso ng salamin kanina .

Habang abala si Harris na nakatingin sa daan, abala din ako na nahagip ang kanang braso niya na kasalukuyang dinurugo.

Ako nga pala ang may gawa non... p-pero hindi ko sinasadya. Hindi ko lang kasi matanggap.. n-na hindi niya ako binalikan.

Ayoko sa kanya!

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo habang hinihingal na ako pero hindi ko magawang tumigil dahil nakahawak siya sa akin. Dahil wala sa daan ang atensyon ko, hindi ko na rin alam kung nasaang parte kami ng building pero isa lang ang nasisigurado ko, patuloy kami sa pag-akyat.

Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Hinawakan niya ang door knob at makailang ulit na iniikot yon pero hindi bumukas. Maya-maya ay binitawan niya ang kamay ko at sumilip sa baba bago ako hinarapan ako, "Do me a favor. Tignan mo kung may paparating. If you notice someone, sabihan mo ako agad."

"B-Bakit?" hindi ko rin alam pero kusa ko na lang yong nabanggit.

"Basta gawin mo na lang, please."

"Saan mo nanaman ba ako dadalhin?" walang ganang saad ko.

Bubuksan niya sana ang pinto pero humarap siya ulit sa akin, "Huwag ng matigas ang ulo mo pwede, Almira?"

Nagkatinginan pa kami at tumalikod ulit siya. May kung ano siyang kinuha sa bulsa nito at para yong isang pin. Ipinasok niya naman yon sa door knob at maiging iniikot. Kahit hindi ko alam ang rason, sumilip na lang din ako sa baba at nakakarinig ako ng mga yapak na tila papalapit o papaakyat sa direksyon namin.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon