"Matagal ka pa ba dyan, Mr. President? Gutom na gutom na kasi ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa," pahayag ni Chase habang nakaupo sa tapat ng presidente na siyang abala sa mga papeles na hawak. Dahil doon ay inilipat niya ang tingin sa kaibigan nitong nagsalita.
"Sino ba kasing nagsabi na tiisin mong magutom? Edi kumain ka na," tipid na sagot nito na iniayos pa ang suot niyang salamin bago itinuloy ang pagbabasa sa mga papeles.
"Huwag mong sabihing kanina pa kami dito, hindi mo alam na hinihintay ka naming matapos?" hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan na muling ikinatingin ng presidente sa kanya.
"Bakit? Did I tell you to wait for me?"
Napahilamos naman ng mukha si Chase, "So hindi mo nga alam?"
"Gusto mo bang ipakain ko sa'yo tong mga hawak ko ngayon?" seryosong tanong ng presidente na inilahad pa ang hawak nitong mga papeles at ballpen kaya sandaling natahimik si Chase, at inilipat ang tingin sa isa pa nilang kasama na ngayon ay palakad-lakad sa buong kwarto habang tinitignan ang mga gamit sa loob, partikular na ang mga libro.
"Jong, tara na. Hindi naman pala alam ni pres na hinihintay natin siya eh."
"Mauna ka na, tol. Hindi pa ako gutom," sabay kuha ni Jio ng isang libro mula sa isang book shelf at binuksan 'yon kaya napaharap sa kanya si Chase.
"Ha? Ang akala ko ba, pumunta ka rin dito para hintayin si Harris?"
"Hindi ah. Hinihintay ko sila Apple," sagot niya habang hawak ng isang kamay ang libro at ang kabilang kamay naman ay tagalipat ng pahina.
"Sila Apple? Bakit?" salubong na kilay na tanong ni Chase.
"Tungkol ata sa bago," sinulyapan na rin ng presidente ang gawi ni Jong nang marinig ang sinabi nito.
"Isa lang naman ang rason kung bakit pumupunta sila dito dba, lalo na kung may bago?" -Chase
Ibinalik naman ni Jong ang hawak na libro sa lalagyanan at umupo na rin sa tapat ni Chase kaya ngayon ay tatlo na silang nakaupo habang abala naman ang presidente. Tanging lamesa ang nagdidistansya sa kanilang dalawa mula sa kanya.
"May ipapagawa kay Harris!" sabay na saad ng dalawa na nakuha pang mag-apir habang malapad ang mga ngiti kaya't sinamaan sila ng tingin ng presidente. Bahagya pa nila itong nilapitan, "Ano kayang ipapagawa ni mama sa'yo?" pang-aasar ni Jong na kinindatan pa ito kaya't mainit na ulo siyang sinulyapan ng presidente.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa pintuan nang bumukas ito at pumasok ang isang grupo, "OMG! Kumpleto pala ang mga papables. Hi papa Jio!" saad ni Apple na aktong hahalikan sa pisngi si Jio.
"Ih dun ka nga, Apple! Ayan si Chase na lang ang pagtripan mo tutal gutom na gutom na daw, pakainin mo," pag-iwas ni Jio dito kaya't nilapitan ni Apple si Chase at ganon din ang pag-iwas nito sa kanya.
"Hoi anong ako? Hindi ah, hindi ako gutom! Ayan si Harris oh," sabay turo ni Chase sa presidente na hindi pa rin nagpatinag sa mga papeles.
"Hmph! Wag na nga, ang aarte ng mga 'to porke gwapo!" inis na saad ni Apple hanggang sa nailipat ang tingin sa presidente.
"OMG, Mr. President! Magmula kagabi ay hindi mo na tinigilan ang mga papel na 'yan. Ano ba 'yan?" aktong sisilip si Apple sa papel ay inilayo sa kanya ng presidente at sinamaan siya ng tingin kaya napaatras ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/258763724-288-k906302.jpg)
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22