FLASHBACK
- Someone -
"Ikaw ba, Zelle?" napatingin naman si Razelle sa katabi nito habang abala siya sa pagsasalamin at paglalagay ng lipstick sa labi nito, "What?" tanong niya.
"Are you really sure na hawak talaga ni Lia si Almira? Simula kasi nung nawala si Harris, hindi na rin natin nakikita si Almira eh."
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at pinagtaasan ng kilay, "I don't know. But since I know that our vice is a thoughtful and reliable person, nagsasabi naman siguro siya ng totoo," nagsalamin ulit siya at dinagdagan pa ang pagkapula ng labi nito. Kasalukuyan siyang nakaupo sa lamesa habang abala ang iba sa kanya-kanya nilang gawain.
May nagkwekwentuhan sa paligid, may nakikinig lang kina Zelle habang ang iba ay busy namang kumain.
Their team has always had that colorful impact pagdating sa mga estudyante. Parati kasing rainbow stripes ang disenyo ng suot nilang damit. Even their shoes, iba-iba ang kulay ng sapatos nila, not the typical white and black stuffs. Maski ang mga sintas ng sapatos nila ay makulay.
Currently, maraming hairpin ang nakalagay sa buhok ni Razelle yet it suits her perfectly. Kagaya ng suot niya ay iba iba rin ang kulay ng mga yon. No wonder maraming nagkakagusto sa kanya sa team nito, and even Eros himself. She combines fashion and art in a colorful manner.
"Pero simula nung nag-away sina Almira at Alyana, bigla na lang hindi nagpakita ang presidente, especially Almira. Do you think we can relate that event kaya hindi nagpapakita si Harris ngayon? O may personal siyang dahilan?" pahayag pa ng isa.
Tinignan siya ni Zelle at sinamaan ito ng tingin na tila irita na, "We just had a meeting with the vice president yesterday, so please, pwede ba tumigil muna kayo kakatanong? Ni ako hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit biglang nagtago si Harris," ibinalik niya ang mga hawak na gamit sa shoulder bag nitong nakapatong sa lamesa at isinabit yon sa kanyang balikat.
"Ugh, maka-alis na nga. Who's with me?" sabay talikod niya para harapin sila. Sabay-sabay pa silang natahimik at napatingin sa kanya.
"Anong meron?" tanong ng isang lalaki na nilapitan si Zelle at inakbayan ito, "Hi babe!" sabay ngiti niya.
Marahas na umiwas si Zelle at sinamaan ng tingin ang lalaki, "Whatever, Mark," nag-ikot ito ng mata at nagkibit-balikat. Tinalikuran niya sila at naglakad papalabas ng kwarto. Nagkatanungan at tinginan pa ang iba kung tungkol saan ang tinatanong ni Zelle pero kahit naguguluhan, tumayo ang iba para sumunod sa kanya.
In fact, she is the president's rival in terms of presidency. Kaya niya kasing magpasunod ng tao kaya kusa silang sumusunod sa kanya.
Binuksan niya ang pintuan hanggang sa nanlaki ang mata niyang napahakbang papaatras at napahawak pa sa dibdib nito habang hinihingal. Bigla na lang kasi nilang nakita ang pagdating ng isang babae at ngayon ay nasa tapat ng pintuan. Hinihingal pa ang babae na halos mawalan na ng hininga.
"Yza?! What happened?" kunot-noong tanong ni Zelle.
Napahawak si Yza sa magkabilang-tuhod nito habang malalim na humihinga, "You won't believe me kapag sinabi ko to sa inyo pero nakita ko."
"Ang alin?" nagkunot ng noo si Zelle.
Maya-maya ay maayos na tumayo si Yza at diretso ang kamay na may itinuro sa kaliwa nito, "Galing ako sa kwarto ni Almira at may nakita akong dugo," saad niya.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22