- Harris -
"Hang on, malapit na tayo," I was still carrying her habang tuluy-tuloy sa paglalakad sa gitna ng kagubatan.
Binabalot ng katahimikan at dilim ang buong lugar, tanging liwanag ng buwan ang siyang nagbigay gabay sa daraanan ko. Kanina pa ako paikut-ikot but seems like I'm having difficulties towards finding my destination dahil parang pabalik-balik lang ako ng dinaraanan.
Bakit parang nakalimutan ko na ang daan? It was not that long nang huli ako makabisita dito. Something's really happening in this place. Hindi pa ako naligaw ng ganito.
Tanging ingay ng mga tuyong dahon ang umaalingasaw sa tuwing gagawa ako ng hakbang o yapak. It took longer hanggang sa napapansin kong namamasa ang kamay ko. Iniikot ko ang paningin at para malaman kung bakit namamasa ang mga palad ko, tumapat ako sa parte kung saan may direktang liwanag ng buwan.
Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang mapansin na sobrang pinagpapawisan si Almira. Maski ang kulay nito ay namumutla. Muli akong tumingin sa paligid at nang maaninag ang isang malaking bato ay nagmadali akong lumapit doon.
Bahagya akong lumuhod at inalalayan siya para isandal rito. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Nagkalat ang kanyang mga buhok sa kanyang mukha kaya iniayos ko ito at inilagay sa likuran ng kanyang tainga. Dahil doon ay mas lalo ko pang nakita ang pamumutla niya. Halatang nahihirapan siya sa sitwasyon nito. Maski ang paghinga niya ay lumalalim na tila huhugutan siya ng hininga anumang oras.
I had no choice but to hold both of her cheeks at iharap ang mukha niya sa akin, "Almira, you hear me? You have to be strong. You can't die here, g*ddamn it!" nag-umpisa na rin akong makaramdam ng kaba dahil sa sitwasyon nito. Napatingin ako sa paligid bunga ng inis na nararamdaman ko.
This is all my fault!
Hinarapan ko naman ulit siya, "You have to fight. We have to go back there, you understand? We can't stay here for too long," sabay iling ko.That was the cue na kailangan ko ulit siyang buhatin.
I'm afraid something bad would happen to her once she lose total consciousness, or worse, if she dies. I don't even know kung anong ginawa ng nilalang na 'yon sa kanya. Bakit ba kasi ang tagal bago ko siya nakita? This life sucks!
Right at that moment, I knew that I have to save her.
Nag-umpisa akong maglakad habang buhat-buhat siya. At first, balak ko sanang iwan muna siya sa isang ligtas na lugar but in this kind of situation and unfamiliar environment around her, I cannot guarantee her safety.
Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakapunta dito kaya hindi ko mawari kung sadyang hindi ko na matandaan ang tamang daan o niligaw lang talaga ako. While I was panicking, searching for the right path. Napako ang tingin ko sa isang direksyon nang mapansin ko ang nag-iisang kubo mula sa malayo.
There was a light coming from within kaya agad ko ring napansin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at nagmadaling pumunta doon. I could even feel my exhaustion and desperation at the moment.
Pagkarating ko roon ay nag-umpisa akong magtawag habang sumisilip sa mga bintana na kasalukuyang sarado, "Ilo! Antara seda?" (Ilo, are you there?)
Please, come out. I need you.
Sa unang beses ay walang sumagot kaya muli akong tumawag, "Iloooo!"
"I badly need your help!"
"Iloooo!" halos ang boses ko lang ang naririnig sa paligid hanggang sa bumukas ng konti ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22