It's okay, Almira.
You can do this.
We can do this.
Huwag mo silang pakinggan.
Listening to them won't do any good.
Just focus on what makes you happy.
Leave the bad memories alone. Hindi makakatulong sa'yo 'to.
Stop, would you?
Have the freedom to do your will, wishes, dreams and desires.
Don't let midnight thoughts conquer you.
Ano bang nangyayari sa'yo?
Wake up.
Ramdam ko ang lamig ng sahig na siyang sumalubong sa akin habang nakaupo sa pinakasulok ng kwarto. Pero bakit? Hindi ka ganito date. Hindi tayo ganito date. Yakap-yakap ko ang dalawang binti at ang aking sarili habang nakapatong ang noo sa aking mga tuhod at nakayuko. I used to love the reflection of light, yet why am I covering myself with darkness? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Ano bang nangyayari sa'yo? Sa akin?
H-Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ako masaya, pero hindi rin ako malungkot. Kung ganon, ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito? What made us like this? Who did this to us?
Am I really alone?
Like you...
No, I am not alone. I am just lonely.
We are just comfortably lonely.
I used to love sleeping but now I can't. Ang hirap ipikit ng sariling mata sa tuwing naiisip ko na hindi ko magagawang matulog dahil kakainin nanaman ako ng sobrang pag-iisip. Overthinking kills me. And I can't help but to take it slowly dahil wala namang makakaintindi sa sitwasyon ko. No matter how hard I try, no one will ever try to understand or either listen to me. I somehow accepted the fact na mahirap talaga akong intindihin. At higit sa lahat, h-hindi ko ugaling magmakaawa para lang sa atensyon ng mga taong walang pakielam sa akin. Wala rin naman akong pakielam sa kanila. Magsama-sama sila. That serves them right.
Sila na yung magaling. Kayo na yung magaling! Kami na 'yong mali. Ganon naman parati hindi ba?
I used to have lots of friends but now, I know that I cannot depend solely on anyone but myself. All of you are just mere friends outside, but traitors in the inside. Nakasanayan ko na rin na maging mag-isa. Kailangan kong mabuhay ng mag-isa. I have to live independently while pecking the mud.
Bigla akong napatingala nang marinig ang isang pangkaraniwang tunog, ang pagbubukas ng pintuan. Hindi ko pa nagawang imulat ng deretsahan ang sariling mata dahil sumalubong sa akin ang liwanag dito sa kwarto bunga ng matagal kong pagkakayuko kanina. It was never dark in this room. No one ever tried to turn off the light.
They want me to be surrounded with light yet they are the reason for the darkness I never wanted. They are the reason why I am all alone in darkness.
Pumasok ang isang babaeng nakaputi. Tila isa siyang nurse dahil sa suot nitong white cap. May hawak siyang isang tray ng pagkain at matapos niyang isara ang pintuan ay ako itong hinarapan niya, "Hi Almira, anong ginagawa mo dyan? Halika dito," saad pa niya na nginitian ako.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22