- Alyana -
"Are you sure na ayos ka na, Yana? Wala bang masakit sa'yo or ano?" tanong ni Yesha sa akin habang tinitignan ang kabuuan ko. Umiling na lang ako bilang sagot sa kanya. Hindi na sila nagsawang tanungin ako tungkol sa nararamdaman ko.
Kailangan ko muna bang masugatan bago sila mag-alala ng sobra?
Kasalukuyan kaming nasa clinic habang kasama sina Nurse Em pati na rin ang dalawang team. Nakaupo naman ako dito sa kama habang nilalagyan ng band aid ni Nurse Em ang ilan sa mga natamo kong sugat, "Anong nangyari dito?" tanong pa ng ibang miyembro ng team na halos kakarating lang. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nilang lahat habang nakatingin sa akin na halos puno ng band-aid.
Nakakainis talaga ang babaeng 'yon. Kasalanan niya lahat ng 'to.
"Wala bang masakit sa'yo?" tanong ni Nurse na hindi ko ulit pinansin. Nakakarindi ang paulit-ulit nilang tanong.
"Basta kung may nararamdaman kang hindi maganda, Yana. Magsabi ka lang sa amin."
"Ano bang nangyari sa inyo ni, Mira?"
"Oo nga, Nurse Em. Anong nangyari? Paano sila nag-away?" sunud-sunod nilang tanong na halatang naguguluhan.
"Hindi ko rin alam dahil kumuha lang ako ng pagkain ni Yana at pagbalik ko, nag-aaway na sila." -Nurse Em
"Ano bang nangyari, Yana? Sana maging naayos na ang pakiramdam— " saad ni Apple kaya hindi na ako nakapagtimpi.
"Ilang beses ko bang sasabihin na ayos lang ako?! Ayos lang ako pero ito hindi," sabay turo ko sa aking kanang pisngi, "Kasi kumikirot pa rin. Masakit pa rin! May magagawa ba kayo?!" natahimik at nagkatinginan ang lahat dahil sa naging tono ng pananalita ko. Hindi ko na rin naiwasang maiyak dahil totoo naman na ang sakit-sakit ng ginawa ng babaeng 'yon sa akin.
Wala naman kasi sila sa posisyon ko para maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magalit pero sa tuwing naaalala ko ang pag-iwan ni Harris, nasasaktan lang ako. Mas pinili niya pa yung nakasakit sa akin.
Ako yung nasaktan pero mas itinuon niya ang atensyon sa iba.
"Kayo naman kasi eh," saad ni Apple na lumapit sa tabi ko at saka ako tinapatan.
Pinunasan niya ang aking luha bago nagsalita, "Don't cry na. Gagaling din yan at hindi na sasakit, okay?"
"Si Harris, kailangan ko siya," wala sa sariling saad ko pa na tinignan ang paligid.
Bakit iniwan niya ako ng ganon-ganon na lang?Ang buong akala ko ba ako ang gusto niya? Nangako siya sa akin na sa tuwing kailangan ko siya, nandyan sa tabi ko.
"Huwag kang mag-alala, Yana. Papunta na yun dito. Hintayin lang natin," saad ng kung sino.
"Mas mabuti pa siguro kung bumalik ka na muna sa kwarto mo, para rin makapagpahinga ka na, dba Nurse?"
Tumango naman ito, "Oo, Alyana. Dun mo na lang din hintayin si Mr. President sa kwarto mo. Hayaan mo sasabihan namin siya na doon ka na lang puntahahan. Halika na," sabay hawak nito sa aking braso para alalayan ako.
Mas mabuti pa nga siguro kung doon ko na lang hihintayin si Harris kaya sumunod na lang din ako sa gusto nilang lahat. Kasi kung dito, baka hindi kami makapag-usap ng maayos dahil maraming tao. Tutal ayaw ko rin naman ang napakarami nilang presensya dito.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22