FLASHBACK
- Someone -
Ang lakas ng mga yapak nito ang siyang tanging ingay na naririnig sa kalagitnaan ng hallway. Madilim ang paligid ngunit hindi masusukat noon ang dilim ng kanyang paningin habang hawak ang isang envelope. Nang tuluyan siyang makababa at makalabas sa building ay lumipat naman ito sa kabila.
Sa mga oras na 'yon ay walang ibang pumasok sa kanyang isip kundi alamin ang totoo dahil kahit anumang klasi ng pag-iintindi ang gawin niya, hindi nito magawang makumbinsi ang sarili sa kung ano ang nalaman at nakita niya.
Bakit niya to nagawa? Ano ba talagang pakay niya at pinaikot niya kaming lahat? Tanong niya sa kanyang sarili ng paulit-ulit.
Ngunit hindi katulad ng kanina, ngayon naman ay maliwanag sa hallway dahil nakabukas ang ilaw ng bawat kwarto kahit oras na para magpahinga ang mga dark dreamers.
Tumigil siya sa tapat ng isang pintuan at napatingin sa numerong nasa taas noon. Room 101. Napahigpit pa ang pagkakahawak nito sa envelope at aktong hahawakan niya ang door knob ay napansin niya ang isang nurse sa gilid nito na halos kakarating lang.
"Lia, anong ginagawa mo rito?" tanong ng nurse na napakunot ng noo.
Hinarapan niya yon at matipid na ngumiti, "Gusto ko lang po sanang bisitahin si Alyana saglit, nurse Cha."
Mas lalo namang nagtaka ang nurse, "Ha? Pero gabing-gabi na po, miss vice president."
"Ano naman? Bawal po bang bumisita ang vice president tuwing gabi?" tanong ni Lia pabalik kaya hindi nakakibo si nurse Cha.
Hindi nagtagal ay nginitian niya si Lia at tumango, "Ahhh, nakakapagtaka lang po dahil nagpapahinga na ang lahat ng ganitong oras. Pero sige po, bubuksan ko na ang kwarto ni Yana," lumapit siya sa pintuan at may kinuha sa bulsa nito.
Nakagawa naman ng ingay ang pagkuha ni nurse Cha sa susi mula sa kanyang bulsa. Inilabas niya 'yon at nag-umpisang buksan ang pintuan.
Hinawakan niya ang door knob at binuksan 'yon bago hinarapan si Lia, "Pasok na po," may ngiting saad niya. Bahgyang ring ngumiti si Lia at humakbang isang beses pasulong ngunit muling natigilan at tinignan ang nurse.
"Mas maganda po kung magpahinga na kayo nurse Cha. Ako ng bahala kay Alyana."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" kunot-noong tanong ng nurse.
"Ako na muna po ang magbabantay kay Alyana ngayong gabi."
"Pero— " hindi na niya pinatapos si nurse Cha at diretsong pumasok sa loob ng kwarto. Sapilitan niyang hinila ang pintuan para isara kaya agad rin naman nabitawan ng nurse ang door knob.
Muling natahimik sa paligid nang tuluyang makapasok si Lia sa loob. Maliwanag man ang buong kwarto ngunit ang paningin niya ay unti-unting nagdidilim nang matanaw ang isang babaeng kumakain habang nakaupo sa kama. Nakapatong ang isang plato ng mga prutas sa kanyang mga hita habang isa-isa siyang kumukuha roon gamit ang isang tinidor.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22