- Harris -Hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim habang naglalakad. Sumasabay naman ang ingay ng tatlong susing nakasabit sa bulsa ko. Nagbabanggaan at kalampagan ang mga ito sa isa't isa kaya nakakagawa ng ingay sa hallway.
I can't stop thinking about what she asked of me. Ako nga ang nag-upo sa kanya pero hindi ako ang may gawa. Umpisa pa lang, hindi na pumasok sa isip ko na iupo siya o kung sinuman sa mga bagong estudyante.
Tumigil ako sa paglalakad pagdating ko sa tapat ng isang kwarto kaya napatingin ako sa pintuan. It should be room 101 pero nasa 105 na pala ako. I've been losing my focus lately dahil sa gusto ni Almira. Kahit kailan talaga, sakit siya sa ulo simula nang dumating siya rito.
Tumalikod ako para muling bumalik sa dapat kong puntahan at natigilan sa tapat ng room 101. Kinuha ko rin ang mga susi sa bulsa ko.
Lumapit ako sa pintuan at sumilip muna sa loob. Nakita ko itong nakaupo lang sa kama niya. Nagbuntong-hininga na lang ako bago binuksan ang pintuan kaya muling umingay ang tatlong susi.
Pagpasok ko ay mabilis siyang tumingin sa aking gawi at sumilay ang ngiti sa kanyang labi, "Harris!" mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. Hindi na lang ako nagsasalita at kumikibo sa tuwing ganito siya.
Honestly, I don't know what to do with Alyana anymore. I just wanted to help her but I never liked the attention she's giving me. I came to the point na tinitiis ko na lang ang ginagawa niya para tuluyan siyang gumaling at hindi bumalik sa date.
I don't want her sad.
Lumayo siya sa pagkakayakap sa akin, "Hinihintay kitang bumalik kagabi... " napayuko siya at ngumiti sabay hawak sa isa kong kamay kaya napatingin ako doon, "Hindi kasi ako mapakali simula nang umamin ka sa akin," tumingala siya, "Kaso agad ka namang lumabas tapos sabi mo babalik ka."
Kitang-kita ko na nahihiya pa siya, "What did I do last night?" pagtataka ko.
I should be asking what did Eros do last night? That f*cker!
"Hindi mo na ba natatandaan?" sabay ngiti niya ulit, "You just confessed about your feelings," ilang segundo akong natulala habang nakatingin sa kanya hanggang sa huminga ako ng malalim.
"Confessed that I don't have the same feelings as you— "
"You love me," natigilan ako sa sinabi niya, "You confessed that you love me. Dba nga tinanong mo pa ako kung okay lang ba na gawin nating sikreto 'yung relasyon natin dahil sa posisyon mo?" mas umurong ang dila ko sa pinagsasabi niya.
I know her for three consecutive years na ako ang nagbabantay sa kanya. I could tell through her eyes kung nagsisinungaling siya o hindi. And she's not lying.
Bigla ko na lang naalala ang sinabi ni Eros kagabi.
"Nothing. I just confessed to her the way she wanted for your feelings to be as same as hers. Pasensya ka na ah? Uminit kasi ang ulo ko sa bago kaya si Alyana ang napagtripan ko."
Napahilamos ako ng mukha kaya nabitawan niya ako. Kusa akong natawa na siyang ipinagtaka niya, "Okay lang naman sa akin na itago natin yung relasyon natin, pero Harris," napatingin ako nang hawakan niya ang magkabila kong braso, "Pwede bang huwag na nating itago yung nararamdaman natin para sa isa't isa?" halos magmakaawa na rin ang mga mata niya.
Katulad ng nangyari, dahil sa paraan ng pagmamakaawa niya ay may naalala naman ako.
"Hihintayin kita hanggang bukas. Pwede pa namang magbago ang isip mo dba? Hihintayin kita." -Almira
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Misterio / Suspenso(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22