13: Epicaricacy

49 2 0
                                    

Someone's POV

Maayos kong tinitigan ang maliit na boteng kanyang hawak. Ang laki nito ay sakto lang sa kanyang hinlalaki at hintuturo. Bukod doon ay may takip rin 'yong gawa sa kapiraso ng kahoy. Hindi ko mapigilang titigan ang pulang likido na nasa loob nito na siyang patuloy niyang hinahalo sa pamamagitan ng pag-iikot at pagkalog sa bote.

"You have to go back," sabay tigil niya sa kanyang ginagawa at saka ako hinarapan. Nginitian niya rin ako ng masama.

Maayos ang upo niya sa harap ng lamesa habang nakapatong ang isang siko doon. Nakasapo naman ang mukha niya sa mga palad nito habang hawak ng kabilang kamay ang bote. Nakaupo naman ako sa tapat niya at tanging ang lamesa ang siyang nagdidistansya sa aming dalawa.

"Ayaw mo na ba akong kasama, mama?" tanong ko sa kanya.

Mas lumapad pa ang ngiti nito, "May sinabi ba ako? Look at yourself. You're pale. Halatang mauubusan ka na ng lakas. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na kailangan mo?" sabay taas nito ng isang kilay.

Napayuko naman ako, "Hindi ko pa naman kailangan."

"Ehhh? Are you sure?" may pagka-sarkastiko rin sa kanyang boses.

Napatingin ako sa lamang likido ng kanyang hawak, "Huwag kang mag-alala sa akin," tumingala ako para tignan siya, "Kapag sinabi kong kaya ko, kaya ko."

"Hinahanap ka na ng mga estudyante sa akin. Ibig sabihin, ilang araw ka ng hindi nagpapakita at lumalabas sa iyong silid. What do you want me to say to them as an excuse for your absence, ha?"

"Huwag kayong mag-alala. Magpapakita rin ako sa kanila," sagot ko habang diretso pa rin ang tingin sa kanya.

Lumapad pa lalo ang kanyang ngiti, "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Buong puso mo pa rin talagang sinasakripisyo ang kaluluwa mo sa akin," bahagya siyang natawa.

"Anyways," tinitigan niya ang hawak nitong bote at ang pulang likido sa loob noon, "I know what they are hiding from me," sabay tingin niya sa akin.

"Bakit hindi mo sila pigilan kung ganon?" tanong ko.

"That's what I wanted them to do. Bakit ko sila pipigilan sa bagay na gusto kong gawin nila?"

"Hindi makakatulong 'to sa kanila," depensa ko.

"Sino bang nagsabi na gusto natin silang tulungan?" ipinatong niya ang hawak nito sa lamesa at saka tumayo. Ipinatong niya ang dalawang palad ng kamay sa lamesa at saka ako tinapatan habang nanlilisik ang kanyang mga mata, "Kung gaano nila kagustong umalis date, ganon nila magugustuhan na manatili sa tirahan ko," sabay ngiti nito ngunit masama pa rin ang paraan ng pagtingin sa akin.

Wala talaga siyang balak na tigilan sila. At wala akong magagawa kundi sumunod sa gusto niya.

Muli naman siyang naupo kaya nagsalita ako, "You should stop. Kung ayaw mong makalaban ang sarili mong anak. You know how powerful your child is. Kaya ka niya, kaya ka niyang talikuran at kaya ka niyang talunin. Huwag mo ng hayaan na siya mismo ang makaalam ng totoo. Ibalik mo na sa dati ang lahat," pakiusap ko pa.


Mapapahamak siya sa ginagawa niya and I can't let it happen. Those young people, hindi pa nila naaalala ang lahat. Wala silang alam kung ano ang totoo at hindi. But how would I tell them that this is not the reality of their lives? Na pekeng mundo ang kinabibilangan nila?


"My child doesn't have to know the truth. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam hindi ba? Kung malalaman man niya, ibig sabihin lang non ay sinabi mo sa kanya, at alam kong hindi mo 'yon gagawin. Am I right?" saad pa niya na sumandal sa kinauupuan. Ipinatong niya ang isang hita nito sa kabila at nagkibit-balikat.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon