7: Boketto

115 3 0
                                    

Napako ang tingin ko sa kanya at tila ba hindi maipinta sa aking mukha kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman o kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Panaginip lang ba 'yon? Tumingin pa ako sa paligid bago ibinalik ang tingin sa kanya na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. Nakuha niya pa akong kawayan gamit ang isa niyang kamay, "Yo, I'm asking you. Did you enjoy?" pag-uulit pa niya. 





Hindi ko alam ngunit parang umurong ang aking dila at hindi alam kung ano ang dapat na gawin o sabihin. Alam niya rin ba ang nasa isip ko ngayon? 





"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ko na muling inilibot ang tingin. Panaginip lang ba talaga ang lahat ng 'yon? Pero bakit pakiramdam ko ay totoo?





Naguguluhan man ngunit alam ko sa sarili ko na totoong nangyari 'yon at ipinakita lang sa akin sa pamamagitan ng isang panaginip, ilusyon o kung anuman. 





Tama. Naalala ko ulit ang nangyari noon dahil muli ko itong nakita. 





"Hmm I see. You seem bothered. Puzzled, aren't we?" nginitian niya ulit ako bago tumayo hanggang sa mapadaing na lang ako nang maramdaman ang isang mainit na bagay na tila dumikit sa likuran ng aking batok. 





"Aww!" hindi ko 'yon nagawang hawakan lalo na't nakatali pa rin ang aking kamay sa upuan.





Sinundan ko ng tingin ang kamay ng lalaki nang abutin niya ang dulo ng arm chair kung saan niya ipinatak ang likido kanina at saka 'yon pinindot. Nakita ko naman ang pag-ilaw noon ng kulay dilaw-berdeng ilaw. Hindi ko talaga alam kung para saan ang nagliliwanag na likidong 'yon ngunit nang umakyat ito papunta sa mga kable ay siya namang pagkatuyo ng mismong pindutan kanina bago ako tuluyang nawala sa ulirat. 





Nakaramdam na rin ako ng pang-iinit sa aking ulo hanggang sa hawakan niya ang bakal na nakalagay rito gamit ang dalawang nitong kamay. Iniangat niya 'yon at ipinatong sa gilid ng upuan kung saan ay bahagyang nakasabit. Tinanggal na rin niya ang pagkakatali sa aking kamay kaya agad dumapo ang isa kong kamay sa likuran ng aking batok. 





Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nangyari. Bakit sadyang napakaganda ng panaginip na 'yon at bakit pinaalala pa sa akin ang mga pangyayari noon? Paano ko rin 'yon nagawang makalimutan? Kung hindi ko pa nagawang makita sa panaginip ay hindi ko rin magagawang alalahanin ulit. 





Habang nag-iisip akong nakahawak pa rin sa batok ay siyang pagsasalita muli ng lalaki. Nakatayo pa rin ito sa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay tinawag siyang presidente kanina. Pero wala akong pake kung sino man siya. 





"You see this?" bahagya siyang tumalikod at itinuro ang likuran ng batok nito bago ako muling hinarapan. Mula doon ay nakita ko ang isang ekis at itim na marka na nakapagpakunot sa aking noo. Sa pagkakaalam ko ay nakita ko na ito noon. Doon sa nurse ba? 





Sandali pa akong napaisip hanggang sa mapagtanto ko ang lahat. Tama. Sa nurse ko nakita 'yan pero bakit? At para saan?





Napalunok naman ako bago nagsalita, "Ibig mo bang sabihin... may ganyan din ako?" tumango naman siya. 





"Yeah."





"Kung ganon para saan?" diretsong tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nahihirapan sa pagsasalita ngayon. 





"You'll find out soon, Almira. Unfortunately, I think I'll be gone after a while even before the time stops. I could already feel him coming back to me," sabay tingin nito sa orasang nakasabit sa pader na nasa tapat namin. Napangisi pa ito ng masama at napailing. Hindi ko rin naintindihan ang sinabi niya hanggang sa harapan niya ulit ako. 





The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon