29: Hiraeth

41 3 0
                                    

- Eros -

Hindi ko alam kung bakit pero takam na takam akong malaman kung bakit sinabihan ni Harris na magtago ang babaeng 'yon. Kasalukuyang diretso ang tingin ko sa buwan. Masyado nang mabilis ang takbo ng oras at wala pa ring nangyayari sa aking misyon.

I'm losing out of control.

Mabuti na lang at nagkaroon ako ng pagkakataon na pasukin ang katawan ni Harris. Sa ngayon, hindi siya nanlalaban but once he wakes up, we'll have to dominate over this body again. At hindi ko yon hahayaang mangyari dahil kailangan na kailangan ko ng katawan ngayon. Hindi ko siya hahayaan na magtagumpay sa pagpaslang sa akin hanggat hindi ko nahahanap ang dapat kong hanapin. 

Pero ang nakakapagtaka, siya lang at ang babaeng yon ang nandito sa rooftop. Something must have happened kaya nagtatago sila at tumatakas ngayon. At hindi ko malalaman ang rason kung hindi ko makikita. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari dito habang wala ako ngunit malayong gumawa ng problema si Harris dahil siya lang naman lagi ang taga-ayos ng problema, pero bakit mukhang may tinatakasan sila ngayon?

Chlorim dae aisle aguis.

Kailangan kong balikan ang alaala ng pinakamamahal nilang presidente para malaman kung anong nangyayari. I'll have to invade his memories, kaya upang umpisahan ang pasyon, isinara ko ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Malalim na huminga at bumalik sa nakaraan.

Et fraile eloim.

Sa tulong ng pulang buwan, ipakita sa akin ang nangyari.

Ang huli ko na lang naramdaman ay ang malakas na pagbugso ng hangin bago ako binalot ng kadiliman. 







FLASHBACK...

- Harris -

I know this is not right but I have to decide. I'm tired and wanna take a break for a moment.

Surely, papayag si mama na bawiin ko yung resignation letter as the president. I'll just be asking for a quick break and for the mean time, si Lia na muna ang papalit sa akin. I just realized na maraming malulungkot, especially the team kapag tuluyan ko silang iniwan because of my selfishness. Many times I promised them na tutulungan ko sila hanggang sa dulo, kaya hindi ko sila pwedeng iwan not unless everyone is well. 

Which is why I just wanna rest my mind for a while kesa iwan ang posisyon ko. I've been actually thinking about it magmula pa kanina kaya hindi rin ako nakapagkwento kina Jio. Maybe, I'll just tell them once I'm back in that room. Ayaw ko rin kasing naaapektuhan sila sa ginagawa kong pagtatago. 

For now, kailangan kong liwanagin kay mama ang lahat. 

Pagdating ko sa tapat ng opisina niya, I was all ready to apologize about my absence for the past few days. However, I abruptly stopped nang makarinig ako ng dalawang pamilyar na boses sa loob mismo ng opisina.

"Ma, we have to do something. We have to punish that woman, sinaktan niya po ako! Can't you see?!" it sounded like Alyana but something's wrong. Hindi siya ganito makipag-usap sa akin, at sa team. 

"Yana, my dear. Kumalma ka. We'll punish her alright? Rules yon dito sa unibersidad, anak. Kahit hindi mo sabihin, yan ang mangyayari. But I heard si Harris daw ang naglayo sa kanya mula sa inyo. Kaya I'm just telling you, she won't be punish anymore kung pinarusahan na siya ng presidente ninyo."

"No! I disagree, Ma. Mas magandang parusahan siya sa harap ng lahat like what we always do. You know what?! Simula nang dumating yang babaeng yan dito, nawalan na ng oras si Harris sa akin. Ako na yung nasaktan, pero yung atensyon ni Harris nasa kanya pa rin. Ma, please do something. I want that girl out of this university and out of that place."

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon