22: Brumous

29 3 0
                                    

- Chase -

"T*ngina! San ka nagpunta?!" hingal kong tanong sa hayop na 'to pagkapasok niya. Sumilip ako sa labas at mabuti naman walang nakakita sa kanya kaya mabilis kong isinara ang pintuan. May dala pa nga siyang plastik katulad ko eh.

Sa loob ng isang linggo na hindi nagpaparamdam si Harris, wala na rin kaming ibang ginawa ni Jio kundi magtago at takbuhan ang happy team sa tuwing natatanaw namin sila.

Oo, kailangan namin silang iwasan kahit mahirap. Taena kasi ni Harris, pati kami nadadamay sa pinag-gagagawa niya.

"Bigla ka kasing nawala men," sagot ni Jong sa akin kaya hinarapan ko siya.

Pareho kaming hinihingal dahil sa walang humpay na pagtakbo magmula pa kanina. Eh ang kaso naman nagkahiwalay kaming dalawa. Buti na lang at natanaw ko siyang tumatakbo sa hallway kaya hinila ko siya papasok dito.

Ang gago kase eh!

Tahimik lang kaming kumakain kanina hanggang sa may nakakita sa amin kaya kailangan nanamang tumakbo.

Napakagandang buhay nga naman oo. Imbis na busy kami sa chicks, eto kami... busy sa pagtatago.

Sayang naman kagwapuhan namin sa lagay na to.

"Ang sabi ko kasi sundan mo ko at huwag kang titingin sa likod. Eh ikaw naman, nakita mo lang si Yza, halos hindi ka na tumakbo. Ayan tuloy nagkahiwalay tayo," saad ko.

Trip niya kasi yon kaya tumitigil ang oras ng gago sa tuwing nakikita si Yza. Tsk, mahinang nilalang.

"Sino ba namang hindi matitigilan sa ganda niya?" depensa pa niya.

Bakit hindi pa kaya aminin na sadyang marupok lang siya.

"Alam ko maganda, oo na. Pero mas kailangan nating magtago ngayon kesa magpaka-busy sa mga chicks. Pag nahuli tayo dahil sayo, ikaw ang bahalang magpaliwanag kay Harris," sermon ko pero mahina lang ang boses namin dahil baka may makarinig pa.

"Tsss, ba't pa kasi kailangan din nating magtago eh— " sabay kamot nito sa ulo hanggang sa takpan ko ng mabilis ang bibig niya dahil may biglang dumaan sa tapat ng kwartong pinagtataguan namin.

Kitang-kita pa namin ang anino nito mula sa bintana lalo na't gabi. Nililibot nito ang tingin sa paligid hanggang sa makalipas ang ilang segundo ay tuluyan siyang umalis.

Ibinaba ko naman na ang kamay ko, baka hindi pa makahinga si Jong at sa akin pa isisi na namatay siya.

Umupo kami sa pinakasulok at napasandal sa pader, "May balita na ba kay Harris?" tanong niya na kinuha ang burger mula sa dala nitong plastik at saka kumagat doon. Ganon na rin ang ginawa ko dahil tig-isa kami ng plastik na hawak.

Actually, lumabas lang talaga kami para maghanap ng pagkain dahil gutom na kami. Lumalabas lang kami sa tuwing gutom kami at kahit ayaw ni Harris, tinatakasan lang namin siya dahil gusto naming lumamon.

Bahala na kung magalit siya, gutom kami eh.

"Malay ko. Hindi ko pa siya nakikita simula kahapon," sagot ko habang nakatingin sa burger at ngumunguya.

"Eh ano ba sabi niya?"

"Di ko alam. Sabi niya maghahanap daw ng paraan para makalabas dito," habang ninanamnam ko ang burger, pansin kong tinignan ako ni Jong kaya napatingin na din ako sa kanya.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon