- Almira -Flashback...
Unti-unti akong nagmulat ng mata. Noong umpisa ay malabo pa sa aking paningin ang paligid hanggang sa unti-unti na rin itong luminaw. Sumalubong sa akin ang isang kisame na gawa sa pawid. Nakuha pang magsalubong ng aking mga kilay dahil hindi naman ganito ang kadalasang sumasalubong sa akin. Nasanay ako sa puting kisame kung saan ilaw ang siyang sasalubong sa akin. Pero teka, nasaan ako kung ganon? Sa kanang bahagi ko ay nakaramdam ako ng sariwang hangin kaya napatingin ako rito.
Natanaw ko naman ang kalahating buwan na kasalukuyang nakasilip mula sa kalangitan. Nang mapagtantong wala ako sa aking kwarto ay bigla akong napabangon at naupo. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nasa isa akong hindi pangkaraniwang lugar.
Hindi rin nagtagal nang mapagtantong nasa isa akong kubo. Bunga ng lubusang pagtataka ay nagpasya akong tumayo at nilibot ang paligid. Sa pinakasulok ay may isang mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Ang nakapukaw ng aking atensyon ay ang iba't ibang klase ng mga bote at halaman na nakalagay dito. May kulay puti, kulay lumot at iba-iba pang kulay at uri ng halaman.
Nasaan ako?
Sinubukan ko pang balikan lahat ng nangyari para lang alamin kung saan ako napadpad ngayon at kung bakit nasa isang kubo ako. Ilang segundo rin akong nakatayo habang tulala hanggang sa maalala ang isang babaeng nakaputi na umagaw ng atensyon ko. Panaginip lang ba 'yon o ano? Baka nga panaginip lang, imposibleng lalapit ako sa isang hindi pangkaraniwang nilalang.
Bahala na nga.
Ibinalik ko ang tingin sa mahabang lamesa. Habang tinitignan isa-isa ang mga nakapatong doon ay may isang maliit na bote na siyang nakakuha ng aking atensyon. Bukod kasi sa kulay pula ang laman nitong likido ay kusang umiilaw 'yon na siyang pinaka-kakaiba sa lahat.
Aktong hahawakan ko ay nakarinig ako ng pagkaluskos sa kung saan na tila may pintuang bumukas kaya napatalikod ako at napahawak sa lamesa para kumuha ng balanse. Isang matanda ang pumasok— hinde. Hindi ito pangkaraniwan.
Bakit ganyan ang itsura niya?
"S-Sino ka?!" may nakita akong patalim sa aking tabi kaya kinuha ko 'yon at saka itinutok sa kanya. Nag-umpisa na rin akong manginig nang makita ang kanyang kabuuan. May mali na ba sa mata ko o sadyang totoo ang aking nakikita?
No, imposible. Nababaliw na ba ako?
A-Anong klasing nilalang siya? Hindi siya tao.
Maliit lang siya, may kalakihan ang ulo at katawan. Kulay sariwang dahon ang kanyang balat. Maski ang mga tainga ay may kahabaan at patusok iyon sa dulo. May hawak rin siyang tungkod na matangkad ng konti sa kanya.
"H-Huwag kang lalapit!" banta ko pa. Dahil sa ibang klasi nitong itsura ay hindi ko magawang pigilan ang sarili sa takot at panginginig.
"Huwag kang matakot binibini," humakbang siya papalapit kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa patalim at mas itinutok 'yon sa kanya.
"B-Bakit ka nagsasalita? N-Nasaan ako?" sabay tingin ko sa paligid.
Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin hindi ba? Imposibleng dinala ako dito ng mind seat, p-pero ano ba talaga ang gustong ipalaro sa akin at hindi ko maintindihan ang nangyayari?
N-Naguguluhan na ako...
Hindi ko maintindihan ang lahat ng 'to.
"Kumalma ka at hintaying dumating ang iyong kaibigan nang sa gayon ay makabalik ka na sa iyong mumunting unibersidad," saad niya na ikinakunot ng aking noo.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22