15: Leery

45 2 0
                                    

- Harris -

"Kapag sinabi kong kumain ka, kumain kaaaa! Don't you dare make me suffer, naiintindihan mo?!" the moment I opened my eyes. I was back at the university.

Inilibot ko ang tingin sa paligid not until an antagonistic event happened. Kasalukuyan ko itong nasasaksihan. Right in front of my eyes. May isang babaeng umiiyak na nakaupo sa puting kama nito. On top of that, a guy was holding a spoon habang nakatayo sa harapan ng babae.

"Kakainin mo ba o hindi?!" matapos isigaw 'yon ng lalaki ay mahigpit niyang pinisil ang magkabilang-pisngi ng babae gamit ang isang kamay nito. Halatang gigil na gigil na ito dahil sa tono ng pananalita niya.

Couldn't help but my eyes widened in shock nang pilit isinubo ng lalaki ang kutsara sa bibig ng babae dahilan para iluwa nito ang pagkain. She was already crying habang patuloy na kumukuha ng pagkain sa plato ang lalaki gamit ang kutsara at pilit ipinapasubo sa kanya.

"P-Parang awa niyo na po... " pakiusap ng babae kasabay ng pagtulo ng luha nito kaya natigilan ang lalaki.

She's familiar to me but I can't seem to find a way kung paano ko makikita ang lalaking umaalipusta sa kanya. Feels like ako ang nasa harapan ng babae.

"Mr. President," dagdag pa ng babae.

W-Wait...

Did she just call me?

Am I dreaming?

I just realized na kusang natigilan ang aking mga kamay sa ginagawa ko. Tinitigan ko ang babae and certainly, this is not a dream. It seems real.

No, you've got to be kidding me.

Napailing ako at napaatras, kasabay noon ay nabitawan ko ang hawak na kutsara nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Dahil dito ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at napahawak dito.

N-Nooo!!!

I was actually the one doing it but I was so sure na hindi ako ang kumokontrol sa mga galaw ko kanina. Because if it was really me who was hurting this girl, never in my life would I do that.

"I-I'm sorry... " hindi ko alam kung ano pa ang mga dapat sabihin bukod sa salitang 'yon. Nakatitig siya sa akin habang nanginginig at umiiyak. Napatingin ako sa sariling mga kamay at nanginginig ang mga ito.

Because of that, I wasn't able to look at her directly.

Tinalikuran ko siya para lumabas hanggang sa magsalita siya na ikinatigil ko, "Alam ko po... hindi niyo sinasadya, at hindi kayo 'yon," dahil doon ay napatingin ako sa kanya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kama nito na ngayon ay nagkalat ang pagkain. Maski ang damit niya ay basa.  Nakuha niya pa akong ngitian given that she's standing on that position because of my carelessness and stupidness.

Sh*t! Bakit ako laging nahuhuli ng dating?

Tuluyan akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa opisina ko kahit pa minsan ay napapahawak ako sa pader dahil sa kirot ng aking ulo. Mabuti na lang at hindi pa tuluyang sumisikat ang araw kaya wala pa gaanong tao ngayon sa hallway.

I shouldn't condone something like this.

Pagkapasok ko sa opisina, I didn't bother switching on the lights. I locked the door at mabilis na nilapitan ang salamin at hinawakan ang magkabilang-gilid nito gamit ang dalawang kamay, "Come out, you monster! Huwag mo 'kong taguan!" sigaw ko dito.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon