- Someone -
Mula rito sa buwan ay tanaw ko ang abandunadong palasyo ng Calbañas. Marami sa mga juable ang nais makapasok sa palasyo ngunit tanging mga may pahintulot lamang mula sa hari at reyna ang maaaring makaapak sa mala-ginto at kulay pulang bakod ng palasyo. Date ay napapalibutan ito ng mg apoy sa paligid, isa sa mga rason kung bakit takot lumapit ang mga juable. Noon, maganda ngunit kinatatakutan ang lugar na ito. Kumikinang ang buong palasyo dahil gawa ito sa ginto at kulay pulang dyamante. Pinagsamang ginto at pula, tulay ng kulay ng apoy nito sa paligid. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nahuhumaling ang kung sinumang tao na makita ang palasyo. Kusa nilang inihahain ang sarili sa hari at reyna.
Ngunit ang tinutukoy kong palasyo ngayon ay hindi na katulad ng palasyo na natatanaw ko ngayon. Napapalibutan na ito ng mga tuyong dahon, ang kulay apoy nitong kulay ay naglaho at naging itim na. Wala ng natirang kinang mula sa palasyo simula nang mawala ang kaisa-isang puso nito. Ngayon ay binabahayan na lang ito ng mga ibon, paniki, iba't ibang klasi ng hayop at iba pa. Ang malinis at magandang palasyo ay tuluyan nang nawalan ng sigla, kulay at lakas.
Sa pinakagitna ng maduming palasyo ay may isang binibining nakaupo. Kulay itim ang mahabang nitong damit katulad ng kanyang buhok. Nakaupo siya sa harap ng trono ng prinsipe. Ang mga mata nito ay nakapikit habang maayos na tinutugtog ang kulay itim niyang violin. Ang maganda niyang musika ay nadidinig sa buong palasyo. At kilala siya sa tawag na Zapira.
Ngunit dahil doon ay sinundan ng isang tigre mula sa kagubatan kung saan nagmumula ang tunog. Nagawang makapasok nito sa palasyo at natanaw ang babae sa pinakagitna. Madilim sa buong palasyo ngunit ang sinag ng buwan ay direktang tinutumbok ang kinauupuan ng binibini. Inilabas ng tigre ang kanyang dila na tila natatakam habang inihahanda ang sarili na lusubin ang lapain ang binibini.
Mabagal itong humahakbang papalapit sa kanya ngunit kasabay noon ay palakas ng palakas at pabilis rin ng pabilis ang musika ng binibini. Dahil dito ay unti-unti na ring tumakbo ang tigre papalapit sa binibini at bago pa man niya ito makagat ay biglang tumingin ang binibini sa gilid nito at agad na itinigil ang pagtugtog. Mula sa kanyang instrumento ay may lumabas na itim na imahe ng mga musika o nota. Mabilis na tumama ang mga yon sa papalapit na tigre hanggang sa bago niya pa man makagat ang binibini ay nahati na ang katawan nito sa apat. Nahulog ang mga piraso ng katawan sa sahig at unti-unting naging abo hanggang sa maglaho.
Aktong itutuloy ng binibini ang pagtugtog ay natigilan siya at napatingin sa trono, "Maligayang pagbabalik mga harde, oras na upang magpakita kayo. Alam kong nandito na kayo," saad niya.
Mula sa kanyang likuran ay lumitaw ang tatlo pang kauri niya. Maliban sa kanila ay mayroon ring isang uwak na lumapag sa bintana, sapat na upang makita at marinig sila.
"Nasaan ang iba?" tanong ng binibini.
"Wala si Hera," saad ng isang babae sabay tingin sa bintana kung nasaan ang uwak, "Ngunit nandito ang kanyang tagapag-mensahe."
"Wala akong balita kay Haliya," sagot ng isang lalaki.
"Malayo pa ang lalakbayin ng iba kaya maaaring hindi sila makarating, Zapira," saad ng isa pang lalaki.
"May balita na ba tungkol sa prinsipe?" sabay tingin ng binibini sa gilid nito para matanaw sila.
"Hindi namin siya maramdaman."
"Maaaring may alam ang bagong reyna sa pagkawala niya."
"At pinapatawag tayo sa palasyo upang maglingkod."
"Kung hindi natin mahahanap ang prinsipe, kailangan nating punan ang misyon natin sa bagong palasyo."
"Nahihibang na ba kayo?" bahagyang nagtaas ng boses si Zapira, "Tayong mga harde ay walang responsibilidad sa kung sinuman sa Calbañas," dahan-dahan siyang tumayo habang hawak ng kanyang mga kamay ang kanyang instrumento at hinarapan sila.
"Ang tanging pagsisilbihan lang natin ay ang prinsipe," dagdag pa niya.
"Ngunit kailangan tayo sa bagong palasyo, Zapira," saad ng isang lalaki.
"At wala doon ang ating pinagsisilbihan. Hindi nanggaling sa unang pamilya ang reyna at prinsesa, kaya hindi natin sila pagsisilbihan. Tayo ay para sa prinsipe lamang."
"At mapaparusahan tayo kung hindi tayo susunod sa utos ng pal— " natigilan ang lalaki at nahagis papalayo sa kinatatayuan niya nang higpitan ni Zapira ang pagkakahawak sa kanyang violin. Sinundan nila ng tingin ang lalaki na hindi naman agad natumba at mabilis na nakatayo ng maayos. Tumingala siya at masamang tingin ang ibinabato nila sa isa't isa.
"Ang reyna at prinsesa ang dahilan kung bakit nawawala ang ating prinsipe. At wala tayong nagawa," unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya, "Para iligtas ang pinakamamahal nating prinsipe."
"Malakas ang kutob ko na nasa ilalim ng orasyon ni Bakkhos ang prinsipe," napatingin ang lahat sa isa pa nilang kasamahan na hango sa pakpak ang kanyang mga kamay.
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Zapira.
"Nang sinubukan kong lumipad ng mataas ay tanaw ko ang tahanan ni Bakkhos. Sa isang sapa, may mga tao at myembro ng espada ang nakalutang at natutulog. Sa aking palagay ay nasa isang orasyon sila."
"Tingin mo ba ay nandoon ang prinsipe?" tanong ng isa na inilingan nito.
"Hindi ko masisiguro, ngunit aalamin ko."
"Hindi magtatagal ay magiging pula na ang buwan," saad ni Zapira na lumapit sa bintana habang nakatitig sa buwan, "At bago dumating ang pangatlong pagiging pula nito, kailangan nating mahanap ang prinsipe," hinarapan niya sila na kasalukuyang nakatingin sa kanya.
"Kaya tayo nandito tayong lahat dahil naramdaman natin siya, hindi ba?" inilipat nila ang paningin sa trono.
"Ngunit panandalian lamang," saad ng lalaki na nakikinig pa rin sa kanila mula sa dilim.
"Sa loob ng mahabang panahon ay muli kong naramdaman ang presensya ng mahal na prinsipe, umasa ako na pagpasok ko sa palasyo ay makikita ko siya rito. Sinubukan kong tumugtog dahil alam kong gustung-gusto niya sa musika, pero hindi pa rin siya dumating," malungkot nitong saad habang abala ang lahat na inaalala kung paano nila nakasama ang kanilang prinsipe sa huling araw na naramdaman nila ito.
Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng isang malakas na pagtawa ng kung sino mula sa loob ng palasyo kaya napatingin sila sa paligid. Kasabay ng pagtawa ng isang demonyo ay humangin ng malakas. Sabay-sabay silang nawalan ng malay at humandusay sa sahig.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22
