Nagmulat ako ng mata sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Natagpuan ko ang sariling nakaupo pa rin dito habang nakapatong ang magkabilang kamay sa arm chair ng bakal na inuupuan. Ang hallway naman kung saan nagrereplek ang mga masisiglang ilaw ay ngayong tahimik. Tsk! Sigurado akong hindi pa tapos ang iba sa pagpapantasya. But f*ck! Bakit ngayon pa ako nakabalik kung kailan naeenjoy ko na ang moment na 'yon? Kainis naman! Dismayado akong napatingin sa orasan na nakasabit sa itaas.
Umabot na rin pala ako ng isang oras na nakaupo dito kaya ngawit na ngawit na ang katawan ko ngayon. Bago ko naisipang tumayo mula sa kinauupuan ay inabot muna ng hintuturo ko ang kulay dilaw-berde na pindutan sa mismong dulo ng arm chair. Nang pindutin ko 'yon ay naramdaman ko ang paggalaw ng nakapatong sa aking ulo hanggang sa naramdaman ko rin ang pagdikit ng kung anong bagay sa likuran ng aking batok. Medyo mainit rin ito katulad noon.
Sa umpisa, nakakagulat talaga 'to dahil dumidikit sa balat.
Pagkatapos noon ay hinawakan ko ang tila helmet sa ulo ko at ipinatong sa tabi kung saan ay bahagya itong nakasabit sa tabi ng upuan. Nang tumayo ako mula sa kinauupuan ay nagawa ko pang mag stretching at napahawak sa likuran ng batok habang patuloy sa pag-eehersisyo. I could also feel a little heat behind my neck dahil paniguradong namarkahan nanaman ako. Well, ganyan talaga.
Nakasanayan ko na, pati na rin ng iba.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at sumalubong ang dalawang asungot na ngayon ay hanggang tainga ang ngiti, "Tapos ka na pala, 'tol?" salubong ni Chase na lumapit sa akin, ganon na rin si Jio na nasa likuran niya.
"Hanep nga eh, ayaw ko pa sanang lumabas," dismayadong sagot ko.
Ipinatong naman niya ang isang kamay sa isang balikat ko, "Ayos lang 'yan haha! Meron pa namang bukas! Hindi ba Jong?" sabay harap niya kay Jio. We often tease Jio by calling him such a funny nickname. Ibinaba naman ni Chase ang kamay niya.
"Pustahan tayo, hindi mo pa tapos no?" tanong ko kay Jio kaya napatingin siya sa akin, "Kung alin man ang nangyari sa pinuntahan mo?" dagdag ko pa at may pang-aasar na nginitian siya.
Karma niya 'yan, ang daming kalokohan eh.
"Tsk! Ayaw ko pa ngang matapos, gago lang yung oras. Bakit kasi kailangang may oras pa eh!" inis na saad nito. Oh look now boys, we are on the same boat.
"Mas mahirap naman ata kung walang katapusan ang pinasukan natin? Paano tayo makakabalik? Haha! Habang buhay, utak ang pinapagana? Gusto niyo bang physically dead tayo but mentally alive?" dagdag pa ni Chase.
"Wala namang pinagkaiba 'yon sa nararanasan natin ngayon," sagot ni Jio na napabusangot pa. Ts! Parang bakla talaga!
Siya naman ang hinawakan sa balikat ni Chase, "Oh sige, tahan na baby Jio! Huwag ka ng umiyak okay? Andito na si daddy!" asar ni Chase kaya natawa na lang ako.
"Gago! Dun ka nga! Buti sana kung nakakabakla ka, eh hindi naman!" inis na saad ni Jio kaya ibinaba ni Chase ang kamay nito.
"Grabe ka naman sa akin Jong. Hindi mo man lang ba napapansin ang kagandahan ng pagkalalaki ko?" hinimas himas pa ni Chase ang baba nito na halatang nagpapagwapo. Haha!
"Anong namang kapansin-pansin sa'yo? Saan banda?" diretsong tanong ni Jio na tinignan pa si Chase mula ulo hanggang paa kaya seryoso siyang hinarapan ni Chase, "Hindi mo lang nakikita ang totoo, 'tol. Pero alam kong darating ang araw na ikaw mismo ang makakapansin na sadyang napakagwapo kong nilalang dito sa mundo," pagmamayabang pa nito habang natatawa ako sa nandidiring itsura ni Jong habang nakatitig sa mayabang.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Mystery / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22