Pagkabasa ko sa mga salitang 'yon ay mabilis rin itong naglaho sa aking harapan kaya natanaw ko ang isang makulay na kwarto. Tumambad sa akin ang isang maliit at parisukat na lamesang nakalagay sa gitna nito. Matangkad 'yon at kakulay siya ng nagliliwanag na pinto.
A-Anong klasing lugar ba talaga ang napuntahan ko? Am I dreaming? Or am I dead? Pero hindi ganito ang dapat na kinatatayuan ng isang patay, hindi ba?
Napako ang aking tingin sa lamesa nang mapansin ko ang isang librong nababalutan ng iba't ibang kulay na ngayon ay nagliliwanag. Kakulay nito ang suot ng babaeng tinatawag nilang Razelle kanina. Umiilaw din 'yon kaya sadyang ito ang kaisa-isang bagay na nakakaagaw ng atensyon sa aking paligid.
I have to see it.
Nang sabihin ko 'yon sa sariling isip ay kusa akong napahakbang papalapit doon hanggang sa matigilan ako sa mismong harap ng libro kaya maayos ko itong tinignan para mabasa ang nakasulat.
"The joker's book?" mahinang basa ko. Kulay itim naman ang kulay ng mga letra kaya hindi mahirap basahin.
Kusa ring gumalaw ang aking kamay na tila hahawakan 'yon katulad ng nasa isip ko ngunit bigla na lang akong napahakbang paatras dahil sa kusang pagbubukas ng libro sa aking harapan. Unang lumipat ang nagtatakip dito kaya tumambad sa akin ang pinakaunang pahina ng libro na siyang blanko ngayon at walang kahit na anong nakasulat.
Nang makita ko 'yon ay nagtuluy-tuloy naman ang paglilipat ng bawat pahina at gumagalaw ito ng kusa. Maigi ko pang namasdan ang bawat numero ng pahina ng papel dahil sa katamtamang bilis ng paglilipat dito na tila may gustong ipahiwatig o ipakita sa akin.
Page 1
2
3
4
5
6
7
8
nth...
nth....
nth....
Magmula sa katamtamang paglilipat ng bawat pahina ay nanlaki ang aking mata nang bumilis naman 'yon ng bumilis kaya nagawa ko pang maramdaman ang hangin na nanggagaling dito. Hindi nagtagal ay biglang tumigil 'yon sa pangalawang huling pahina kaya nakita ko ang pinakahuling numero.
"Page 299"
Muli itong lumipat sa pinakahuling papel na ngayon ay blanko rin katulad nang naunang papel kanina. Muli itong lumipat sa pinakahuling nagtatakip sa libro kaya unti-unti ring nagsara 'yon sa aking harapan. Biglaan akong napatingala nang mula sa libro ay may mga lumabas na grupo ng mga letra na siyang lumulutang ngayon sa aking harapan. Makukulay rin ang mga letra katulad ng nasa aking paligid.
Noong una ay nagsalubong ang aking kilay. Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari pero kailangan kong malaman kung ano ang lahat ng 'to. At hindi ko 'yon malalaman kung hindi ko itututok ang atensyon sa paligid.
Do we need to fix this?
Mukha kasi itong jumbled letters o scrumbled words na kailangang ayusin kaya hindi ko mabasa. Isa-isa ko 'yong tinignan at aktong aayusin pa lang ay kusang gumalaw ang mga 'yon hanggang sa nakita ko na inayos nila ang sarili sa paraang magagawa kong basahin.
BINABASA MO ANG
The Possessed President
Misteri / Thriller(Infernal Calbañas Book One) Date started: 11/14/21 Date completed: 06/10/22