19: Cordolium

40 2 1
                                    

- Harris -

Sa pagmulat ng aking mata ay sumalubong muli sa akin ang madilim at nagsisilakihang puno dito sa gubat. Binati rin ako ng malamig na simoy ng hangin habang gumagawa ng ingay ang tinatangay na mga tuyong dahon sa sahig. Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na iginalaw ang mga paa papunta sa kung saan. Ngunit kusa akong natigilan nang maramdaman ang isang matigas na bagay na tila naapakan ko.

Napatingin ako sa paanan at humakbang paatras. Bahagya akong lumuhod at hinawi ang iilang dahon sa sahig hanggang sa matanaw ang isang maliit na kutsilyo. Kunot-noong kinuha ko ito hanggang sa makita ang bahid ng dugo sa mismong talim ng kutsilyo.

Nang mapansing dumikit ang dugo sa kamay ko ay napag-alaman ko rin na sariwa pa ito at mamasa-masa. Wala sa pagdadalawang-isip akong napatingin sa malayo para tignan kung may nangyari bang hindi maganda dahil dito sa kutsilyo. Nang tila tahimik naman ay inihagis ko na ito sa kung saan. Ipinunas ko na lang ang kamay sa damit at muling itinuloy ang paglalakad.

Ang kailangan lang ay maglakad-lakad ako hanggang sa masilayan ang kubo ni Ilo na siyang nag-iisa at pinakamalapit na kubo dito sa gubat. 

Katulad date ay wala akong makita na kahit na ano o sino. Whenever I come here, I always anticipate na may makakasalubong akong mga nilalang lalo na't sa gabi sila nagpapakalat-kalat dito sa gubat. I just had no choice dahil kailangan kong balikan si Almira kaya kailangan kong mas lakasan ang loob ngayon.

What I have to do is to hope na walang makakita sa akin or else, I'm dead.

Habang nakakagawa ng ingay ang ginagawa kong pag-apak sa mga tuyong dahon ay palinga-linga rin ako ng tingin sa paligid, hoping that no one will come hunting me. Sa ngayon ay kasalukuyang tahimik ang paligid not until I heard roaring sounds near my place. It was a sound coming from a wolf— no, it's from a pack of wolves.

Mabilis akong napahawak sa isang puno habang tinitignan ang paligid. My heartbeat even began pounding hardly habang lumalalim ang aking paghinga. Tinanaw ko ang paligid habang naghahanap ng isang kahoy na pwedeng gamitin. Mas lalong napadikit ang likuran ko sa puno nang unti-unti ay lumalakas ang pagbibitahol ng mga ito na tila papalapit sa kinaroroonan ko.

Oh sh*t! Bakit ngayon pa? D*mn!

Habang palinga-linga ng tingin sa paligid ay may nakita naman akong isang kahoy na hindi kalakihan. Mabilis kong kinuha 'yon at maayos na hinawakan. Mas lalo namang lumalakas ang pagbibitahol nila kaya wala sa pagdadalawang-isip kong hinarapan ang kahoy habang mahigpit itong hawak-hawak. And from that, I started the chant. 

"Apoy sa apoy, liwanag sa liwanag. Espirito ng liwanag ay aking tinatawag, apoy na tinatangi ay siyang ipagkaloob. Ako'y bigyan ng pansamantalang kapangyarihan, sundin ang tanging kahilingan," mabilis ang tanaw ko sa paligid nang maramdaman ang isang malakas na presensya na siyang papalapit sa gawi ko, hanggang sa aking matanaw ang isang kulay apoy na liwanag na siyang papalapit sa aking direksyon kaya't itinuloy ko ang pagsasalita at mas hinawakan ng mahigpit ang hawak na kahoy.

"Ako'y iyong dinggin. Init ang siyang hangarin, lahat ay tatanggapin, kapalit ng natatanging hiling. Apoy sa apoy, liwanag sa liwanag," at unti-unti akong napapikit, "Il hebe, firus."

"Ahhh!" kusa akong nakaramdam ng panghihina nang maramdaman ang aking pagkapaso sa kanang braso kaya napahawak ako sa puno hanggang sa mapatingin ako dito. May simbolo ako ng apoy sa kanang braso na kasalukuyang nagmarka sa akin na tila pinaso ito. Umilaw pa ito ng kulay pula bago tuluyang naging itim. Maliit lamang ang pagkakatatak nito sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ngunit dahil sanay na ako ay medyo namamanhid na rin ang katawan ko mula sa pagkapaso nito. 

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon