Epilogue

99 1 0
                                    

- Harris -

"Now, hide behind the tree. Huwag na huwag kang titingin kahit na anong mangyari," I know I shouldn't be telling her this dahil malayong mabalikan ko pa siya but I have no other choice, "You count from 1 to 60 seconds in your mind, once you reach the 60th at hindi pa kita tinatawag, start running far away from here. Lumayo ka at manatili sa isang lugar na walang makakakita sayo. And never easily trust anyone you meet here," bulong ko habang takip takip pa rin ang mata niya gamit ang isa kong kamay.

"Go," hindi naman ako nahirapan dahil kahit alam kong may galit siya sa akin, mabuti na lang at sumunod siya sa gusto kong gawin niya.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa likuran ko kaya sinundan ko siya ng tingin. Nagtago siya sa likuran ng isang malaking puno. As much as I want to tell you na kailangan na nating maghiwalay ng landas dito, hindi ko magawang sabihin.

I'm sorry, Almira. But everything has to end here. I failed as your president.

Dahan-dahan kong inilipat ang tingin sa harap at tulad kanina ay nakatayo pa rin si Eros sa harapan ko. Magkatapat kaming dalawa ngunit may iilang distansya na nakapagitan sa amin.

I know what he wants, at napag-usapan na namin to kanina. But to think of it, ngayon ko lang napagtanto ang totoong pakay niya.

"Pinlano mo to, Eros," seryosong saad ko, "I knew all along that you wouldn't permit me entering my body pero ginawa mo kanina," unti-unting napakuyom ang kamay ko, "Kayang-kaya mong tulungan si Almira nang wala ako. Kaya mong lumabas sa rehas na yon nang wala ako, but still you summoned my sleeping soul. Kaya mo pala ako pinabalik," tumango ako at mapait na ngumiti.

Bakit ngayon ko lang naisip ang lahat ng to? Maybe because I lost focus earlier dahil sa pag-aalala kay Almira. But who wouldn't? Her life was in danger.

"To think back about what happened earlier sa unibersidad, alam mong gagawin ko ang lahat para madepensahan si Almira. Which is why you offered me your power because you knew na wala akong ibang malalapitan maliban sa'yo. You left me with no choice para mapapayag ako sa gusto mo. And you intentionally opened the portal para dalhin kami rito."

Wala talaga siyang balak na pagbigyan ako o tulungan si Almira. In fact, he can do everything I've done earlier pero pinlano niya ang lahat para mapapayag niya ako sa huli. And now that we're here, I must admit that I was a fool para mahulog sa patibong niya.

He knew na kakailangan ko ang tulong niya and in exchange I should let him take over my body. Everything was planned since from the start.

Isa siyang tunay na demonyo.

"Katulad ng inaasahan, mahal kong presidente," masama siyang ngumiti, "Napagtanto mo agad ang plano ko... pero huli kana. At hindi ko kasalanan kung ang katawan mo ang ibinigay mong kapalit sa paggamit ng kapangyarihan ko. Baka nakakalimutan mo, kusa kang  pumayag sa gusto ko. Hindi kita pinilit," I can't see him speak pero nagagawa niya akong kausapin gamit ang isip ko. Seems like he's whispering to me habang nakatingin ako sa tunay niyang anyo.

"Truly, as expected of you, tunay ngang mapanlinlang ang mga katulad niyo," saad ko.

Gustuhin ko mang makaramdam ng galit pero wala akong maramdaman. Ganito siguro talaga kapag sobrang bigat na, halos wala ka nang maramdaman.

"Imbes na sumbatan mo ako, bakit hindi ka na lang magpasalamat? Kung hindi dahil sa akin, malamang ay sinusunog na kayong dalawa ngayon sa unibersidad. Tandaan mo mahal kong presidente, ang demonyo sa harapan mo ang siyang nagligtas sa inyo," mapait akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Napatingin pa siya sa puno kung saan nakatago si Almira kaya sinundan ko ito ng tingin. Nandon pa rin siya at walang kibo kaya siguro nakakahinga na rin ako ng maluwag.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon