Chapter 18 ( Epic Lewis )

24 2 0
                                    

Sheen’s POV

“Don’t  you dare to touch my  Sheen, Lewis!” – sigaw ni Krause.

“Ugok! E panu kung gusto kong hawakan huh?” – sagot naman ni Lewis at akmang hahawakan ang kamay ko. Todo tingin naman si Krause sa salamin. Mabilis niyang nai-preno ang sasakyan ng makita ang kamay ni Lewis.

“Fvck you Lewis! Get your hands-off!”

“No-no Krause. Maglaway ka!” sabay hawak niya ng mahigpit sa kamay ko. Ako naman wala lang pakialam, it’s a part of the agreement.

“Arrrrghhh! Shit!” Krause shouted then continue driving the car.

Wala na siyang magawa, pumayag siya sa agreement e. Ahm, anung agreement?? Hays.

Flashback:

“Tara Sheen lakad na tayo” – pagaaya ni Lewis.

“Pffft. Cheap. Let’s go Mrs. Krause, hahatid na kita gamit ang kotse ko.” – Krause na sobrang confident sa sarili.

Naramdaman kong nag-iinit na ang ulo ni Lewis sa narinig niya. In a second puputok yan sa inis, “Tss. Sasama kaba Sheen?”

Nagulat naman ako sa tanong niya. Ang buong akala ko hindi siya agad papayag sa idea ni Krause. You insane Lewis. “I want him to take me to school.”  Nakita ko ang paniningkit ng mata ni Krause dahil sa pag-ngiti niya. Assuming naman, gusto ko lang inisin si Lewis kaya ako pumayag.

Lumakad na ako para sumakay na sa kotse ng biglang hinigit ni Lewis ang kamay ko, “Papayag lang akong magpahatid ka sa kanya kung kasama ako at tayong dalawa ay uupo sa back seat.” Mahinahon niyang sabi.

Biglang nawala ang guhit ng kasiyahan sa mukha ni Krause. “Bakit naman kailangan pa ng permiso mo huh?” inis na sagot naman ni Krause. Tumingin ng matalim si Lewis bago sumagot, “It is because I’m the first. You don’t have the right to claim her time, because it’s me before you.”

Taray ng bestman ko. Pagnagsi-siryoso talaga ‘to napapa-english. Takte. Sana lang hindi pagpapanggap ko, alam ko naman na napipilitan lang siya para masaktan si Krause. Hays.

“Okay” matipid na sagot ni Krause. Madali naman pala siyang kausap. Pinagbuksan ako ng pinto ni Lewis bago siya pumasok sa loob.

End of flashback

Kaya eto kami ngayon, feeling super sweet sa may backseat. Kung para sa akin lang totoo na’to. Ewan lang kay Lewis dahil si Kiel ang alam kong mahal niya.

Nung una ay ako itong todo suporta sa loveteam nilang dalawa, but as I realized what I feel for this guy I started to hate every chance that  God will give them to be together. Hindi ko alam kung papaano ako nahulog sa kanya, after 2 years kasi ngayon ko lang naramdaman ‘to. Dahil ba na mayroon ng handang magmahal sa kanya? Hays.

Napatingin siya sa akin ng nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Eto na naman siya sa nakakainis niyang pagtitig. “Why?!” angal ko sa pinaggagagawa niya. “Wala lang.”  nangingiti niyang sagot . Problema nito? Bigla nalang ngumingiti. Tss, kaasar.

*

Lewis’ POV

Hindi ko  alam kung ba’t naasar ‘tong si Sheen sakin. Pero gustong-gusto ko na sinusungitan niya ako, hindi kumpleto ang araw ko pag walang masungit na siya. Naks.

Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon