Lewis' PoV
"Sheen!"
Huminto siya, tumigil sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko siya.
Hihingal-hingal pa ako nung humarang ako sa harap niya. Langya kasi, ang bilis niya tumakbo. Nakalayo na nga kami sa simbahan e. Naka-heels pa siya nung lagay na yan.
Hinarap ko siya, nanatili siyang nakatungo. May problema ba?
"Sheen anong problema?" mahinahong tanong ko. Hindi naman siya sumagot.
"Sheen magsalita ka."
Narinig ko humihikbi siya. Umiiyak ba siya? "Sheen bakit?" niyakap ko na siya, lalo pang lumakas yung pagiyak niya kaya hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko.
"BITIWAN MO AKO!" kinilabutan ako sa boses ni Sheen.
Automatic na bumitaw ang kamay ko sa kanya. Ngayon lang ulit siya naging ganito. Ni hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para punasan ang mga luha niya.
Pero.
"Wag mong subukan na hawakan ako Lewis."
Nakayuko parin siya. Sheen naman e, ano ba problema?
"Sheen kung galit ka sabihin mo."
"Oo Lewis galit ako. Alam mo kung bakit! *sniff."
*sigh
"Nagmukha akong tanga. Halos gusto ko ng magpakamatay kakaisip sa mangyayari dahil ang alam ko ikakasal ako sa taong hindi ko mahal!"
"Sheen pakinggan mo muna ang paliwanag ko."
Mali naman ang iniisip niya kasi.
"Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo dahil ipinamukha mo na sa akin na wala akong kwenta. Wala akong magagawa."
"Sheen hindi. Ayoko lang na masaktan ka."
"Sa ginawa mo hindi ba ako nasaktan? Yung maramdaman ko na isinuko ako nung taong mahal ko hindi ba masakit yun? Pwede mo naman sabihin ang lahat pero bkit nagsinungaling kapa!"
"E kasi.. ano.."
"Ano! Nagtiwala ako sayo, pero ikaw! Hindi ka nagtiwala sa akin. Mas pinili mong sarilihin ang problema. *sniff Nangako kana sakin na sasabihin mo ang lahat. Pero bakit ganito parin?"
"Dahil Sheen mahal kita. Ayokong may mangyari sa iyong masama."
Hindi ko siya matingnan. Nagsisisi ako dahil mas pinili kong mag isa.
"Masama? Ano bang masama ang mangyayari?"
Huminga ako ng malalim.
"Papatayin ka nila kung ikaw mismo ang nakita dun sa kasal."
Tumigil siya sa pagiyak pagkarinig niya nun.
"A-anong si-sinasabi mo?"
"Naglihim ako, hindi lang naman si tanda ang kalaban namin dito. Pati yung tatay ni Yra. Galit ang tatay ni Yra kay tanda kaya balak niyang patayin ka."
"Pero diba nagpanggap si Yra na ako?"
"Dahil kinausap ni Yra ang tatay niya bago lumabas papasok ng simbahan. Pinapunta ko sila mama para makasiguradong safe ka."
Umiyak na naman siya tapos bigla niya akong niyakap. "Sorry Lewis. Hindi ko alam yun. Patawarin mo ako."
Wag kang magalala Sheen, naiintidihan naman kita. "Tahan kana. Papanget kana niyan, tandaan mo papakasalan pa kita. Pero magiipon pa muna ako ha? Hehe."
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Ficção AdolescenteForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.