Chapter 24 ( Conflict? )

23 3 0
                                    

Ang daming nangyari sa mga sumunod na araw. Lahat ng mga araw ay nagging adventure for us. Exploring within this place is so exciting.

Mabilis talaga ang oras kung ang kasama mo ay ang taong mahal mo.

Five days wasn’t enough for us. Hays, last day na namin ‘to. Maya-maya aalis na kami. Last day na ganito kami, dahil siguradong pagbalik naming ay makikikulit na naman yung dalawa. Mawawalan na naman kami ng oras sa isa’t isa. We can’t be like this when they are around.

Bakit kasi hindi nalang naming totohanin diba? I don’t want to make any decisions without his permission. Oo sinabi niya na mahal niya ako and we’re acting like lovers but kami na ba talaga?

Did he mention that we are in a relationship now? Nakakalungkot man isipin, pero wala pa kaming label sa ngayon. Hintayin ko nalang kung kalian niya sabihin iyon basta ang mahalaga masaya ako na andito siya, hindi ako iniwan.

“Bakit mo tinititigan ang gwapo kong mukha Sheen?” nakangisi niyang sabi nung dumilat siya. Nakahiga kasi siya sa sofa habang nakaunan sa mga hita ko. Hinaplos ko pa ang buhok ng loko, akala ko tulog pa.

“Wag ka ngang assuming Lewis, hindi kita tinititigan.” Sagot ko naman sabay iwas ng tingin.  Nakakatawa ang inaasta ko pagdating sa kanya, nagawa kong umamin ng feelings ko para sa kanya pero hindi ko magawang sabihin yung mga bagay na nagustuhan ko sa buong pagkatao niya.

I think, I’m just showing the real me. I’m not that showy girl who can say everything. Ako si Sheen, lagging mainit ang ulo, ayaw sa magulo at gusto lagi ang seryosong usapan. Pero hindi pagdating kay Lewis, he is the only man who can see the craziness behind who really I am.

Habang tinititigan ko ang mukha niya, habang dinadama ko yung oras na’to kasama siya. Napapaisip ako, Parang ayoko ng umiwi.

“Lewis can we extend our vacation here?”

Dahan-dahan niyang muling iminulat ang kanyang mga mata. “Hindi pwede Sheen.” Malumanay niyang sagot.

“Bakit? Wala naman maraming activity ngayon sa school?”

“Pinagpaalam kita for five days lang Sheen. Kailangan na natin bumalik bukas.”

Hays. Pwede naming baguhin diba?

“Tatawag ako kay Dad, sasabihin ko na hindi muna tayo papasok at dito muna ta----

“Hindi pwede Sheen Dhianne Fortagee.” Pagputol niya sa sinasabi ko.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at saka umupo nalang sa tabi ko. “Pero bakit?” tanong ko muli. Ano bang problema sa pagextend? Ayaw nab a niya akong makasama pa ng matagal.

“May dapat akong asikasuhin Sheen, I’m sorry but I can’t. gusto kong makasama ka pa ng matagal pero kailangan ko talagang gawin yun.”

Shit lang, uunahin niya pa yun bago sa akin. “Ano ba kasi yun? School works ba? Kaya kong kausapin mga prof natin.”

“Hindi Sheen, it’s personal matter.”

Personal? Oh bakit hindi niya sabihin sa akin?

Sige, pero sasamahan kita sa pagasikaso mo nun.” Nakangiti na ako niyan. Please lang Lewis pumayag ka, gusto kita makasama.

“You’re the president, mas kailangan ka ng school. Hindi mo kailangang magaksaya ng oras para sa akin.”

May pagtaas na sa boses niya. He sounds so serious now. Gaano ba kasi kahalaga yung bagay na yun? Lewis naman. “Okay lang.” ano pa ba ang magagawa ko.

Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon