Chapter 49 ( Under The Spell Of Geass )

43 1 0
                                    

Sheen's PoV

Years ago, the country of Japan was invaded by the empire of Brittania and was renamed as AREA 11.

Area 11..

Area 11..

Area 11..

That thought knocks my senses back.

Hindi pala ako nananaginip, totoo pala na may nagna-narrate dito. Uhm, hindi ko lang alam kung asan ako dahil sobrang dilim.

Hindi din ako makakilos dahil ramdam kong nakatali ako sa kinauupuan ko.

Tss. Sino na naman ba kasi may kagagawan sa akin neto?

Code Geass lang ang gusto?

One very bright Brittanian student named Lelouch Lamperouge sought to bring back justice to the country. He gains the magical power of---

"Geass." pagsabay ko.

Later on, Lelouch assembled a group named Order of the Black Knights under the alias of ZERO.

Nangingiti nalang ako sa naririnig ko. Kidnapping ba talaga 'to? or story telling? Bakit hindi nalang movie? Mas interesting kaya yun.

Bumukas ang pinto at namalayan ko nalang na may nagtatanggal ng pagkakatali sa kamay ko.

"Si-sino ka???"

Imbes na sumagot hinawakan niya lang ang kamay ko. My heart skips a beat when I suddenly hear his voice. Oo, lalaki siya.

"Trust me." sabi niya na bahagyang nakapagpangiti naman sa akin. Ano na namang pauso 'to Lewis?

Kahit naka-costume siya na kamukha ng damit at mask ni Zero alam kong si Lewis siya.

Bigla niyang binitiwan ang kamay ko nung makalabas kami. Tumakbo siya palayo?

Okay na sana pero ba't niya ako iniwan? Psh. Wag mong sabihin--

"Ay panda!" sigaw ko. Bigla nalang kasing may humigit sa aking babae na agad ko tiningnan at "Kallen Stadfeld?"

OMG! Real-life Kallen Stadfeld ang kasama ko? Pero wait, parang kilala ko na siya. "Kielzia?" tanong ko ulit.

Ngumiti lang siya. Hays, kasabwat pa talaga siya sa kabobohan ni Lewis? Pfft.

Sumunod nalang ako sa kanya.

Kinuha niya ang phone niya at huminto sa harap ng malaking pader na salamin. "C.C.?" out of nowhere kong tanong.

Pati pala ako nakacostume? Tapos may green na buhok? Yung totoo ha? May cosplay ba kaming pupuntahan? O pakulo lang talaga lahat ni Lewis 'to. Infairness nakakatuwa.

Maya-maya pa may dumating na dalawang lalake at isang babae. Si Yra, in disguise like Euphemia. Si Cyr ay si Suzaku at si Xien ay si Gino Weinberg na agad lumapit kay Kielzia a.k.a. Kallen.

Haha. "Kelan pa nagkasundo si Kallen at Ginno? Diba magkaaway dapat kayo?" natatawang sabi ko.

Epic ng itsura nila. Priceless. Naglayo tuloy agad sila tsaka nagsikuhan na parang nagsisisihan dahil busted na sila.

Dahil nga bulungan sila ng bulungan nauna na akong maglakad. "Wait Sheen! Madaya! Dapat kasabay mo kame!"

Pffft. Ang pangit talaga nilang magpanggap. Epic talaga!

Tatawa-tawa pa ako hanggang makalabas ng hotel siguro 'to.

Hinihintay ko silang makalabas ng may huminto sa harap kong itim na kotse.

Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon