Lewis' PoV"Whoo! This is the best trip ever! hahaha" si Sheen yan habang enjoy na enjoy sa byahe namin.
Napapangiti nalang din ako dahil ramdam ko na masaya siya. Naisip ko din na first time niya nga palang magbyahe ng nakamotor lang.
Pasosyal kasi yan e, laging kotse, van at magagarang sasakyan ang ginagamit.
Tumigil siya sa pagsigaw, naramdaman ko nalang ang paghigpit ng yakap niya. Napagod na siguro. Haha.
We are on the way to Baguio, kasalukuyang paakyat kami sa bundok na zigzag ang daan kaya todo sigaw si Sheen.
Meanwhile nakarating na din kami. "Ang ganda ng view Lewis tingnan mo oh, kitang kita yung dinaanan natin." sabay turo niya dun sa may gawing ibaba.
Hindi mo lang alam Sheen, mas maganda ka pa dyan. Lihim akong napangiti.
Pero nadistract ako nung mga tao na grabeng makatingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong katulad ko. Wahaha.
"Hoy! Anong nginingiti mo dyan?"
Amfufu. Nahuli ako. "Wa-wala Sheen."
Sheen's PoV
"Wa-wala Sheen." at nakuha pang magpeace sign ng mokong na'to.
Hmp. Hindi ko nalang siya pinansin. Mabilis ngayon maginit ang ulo ko lalo na sa kanya.
Muli ko nalang itinuon ang sarili ko dun sa view. Haaay. Ang ganda talaga, nakakawala ng pagod.
Andito kasi kami ngayon sa mine's view. Hindi din kasi namin inaasahan na dito kami makakarating.
Tatanungin ko sana si Lewis kung gusto na niya kumaen pero pag harap ko wala na ang loko.
San naman kaya nagsuot yun?
Kalahating oras na ata akong ikot ng ikot.
Naiinis na ako kakahanap kay Lewis, ang dami pa namang tao.
Para bang gusto ko ng umiyak, si Lewis naman kasi. Wala akong kakilala dito saka nasa kanya ang pera namin. Paano nalang ako makakaalis? Psh.
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala parin siya. Shit lang kinakabahan na ako. Maiiyak na ako anytime. Iniwan na ba niya talaga ako?
Eto na ba ang ganti niya sa ginawa ko? Ka-kasi dapat talaga ito na yung point na nagaaway kami dahil sobra ang kasalanan ko sa kanya.
Hmm. Ito naba? Dito naba niya ako iiwan?
Umupo nalang ako sa isang tabi. Napapagod narin ako, kanina pa ako lakad ng lakad at sa pagiisip ng kung anu-anu.
Tiwala lang, siguro nag-c.r. lang siya. Pero ba't ang tagal? Hays siguro mahaba ang pila. Oo tama. Kalma lang dapat ako.
Hanggang sa.
Busy lang ako sa pagtingin sa ibaba ng may biglang nagharang ng isang garapon sa harap ko.
May taong nakatayo sa harapan ko, kung hindi naman din si Lewis 'to. Wala akong oras na lingunin siya.
Kaya ayun, hindi ko pinansin. hinayaan ko lang siya na tumayo dun.
After 5 minutes.
"Ano ba yan. Ibinili lang naman kita ng peanut brittle mukhang nagalit kapa."
Agad akong napatingin nung magsalita ang tao sa harapan ko. "Waaaah. Akala ko iniwan mo na ako." niyakap ko na siya ng mahigpit.
Kainis naman e, bakit siya umaalis ng hindi nagpapaalam.
"Luh? Kelan kapa naging ganyan kaweak ha Sheen?" natatawa pa ang loko. Akala ko kasi talaga iniwan na niya ako dito.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Fiksi RemajaForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.