Maghapong kulitan at harutan lang ang nangyari sa unang araw namin dito sa probinsya.
Ipinakilala ako ni Lewis sa lola niya at iba pang kasama sa bahay.
Na-enjoy ko ang pagkain ng mga luto dito. Kahit medyo kakaiba para sa aking panlasa, nagustuhan ko naman.
Ngayong araw ay lalabas daw kami ni Lewis. Date siguro? Kasi naman ang aga-aga niya ako ginising.
5:30 in the morning? Tss. Sabi niya ganun daw talaga ang oras ng gising dito hindi katulad sa siyudad.
I am now preparing myself, last na'to. Isusuot ko nalang ang strap ng sandals ko at tapos na. I'm ready to push this date.
Bumaba na ako and found Lewis sitting in a couch. Todo smile ang loko. "Grabe makatingin?" I said.
"You look so pretty. But, may I suggest something kamahalan?"
"It's fine with me. Spoil it."
Mokong na'to. Pagtritripan na naman siguro ako.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumakad patungo sa harap ko.
"Pwede bang instead of this dress, pants at shirt ang isuot mo? Ayaw ko kasi na pagpiyestahan ka ng mga lalaki sa pupuntahan natin." bulong niya habang hinahawi ang natirang buhok na nakakalat sa mukha ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya,"Be direct to the point Lewis. Kung hindi mo nagustuhan yung suot ko, sabihin mo agad hindi yung nagdadahilan kapa."
Hinawakan niya ang baba ko upang mapaharap sa kanya. "Hindi ako nagdadahilan, I'm just being potective." sabay kindat niya.
Enough. Pinapakilig nalang niya ako.
"Okay. Huwag na natin pagtalunan 'to. Magpapalit na ako." I surrender, may point din naman siya e.
"Good." narinig kong sabi niya nang makatalikod ako. "Wait lang pala Sheen?" tawag niya ulit.
"Wear your rubber shoes." paalala pa niya.
"Yah." Ginawa naman niya akong tanga, syempre rubbershoes susuot ko. Hello? Pants at shirt, tapos maghi-heels ako? Tss.
Sandali lang ako nagpalitng damit pero mukhang nainip na si Lewis dahil mukhang nauna na siyang lumabas.
Pagbukas ko ng pinto ay walang Lewis na sumalubong sa akin.
Palinga-linga akong hinanap siya hanggang sa may mga kamay na tumakip sa aking mata mula sa aking likuran.
Kahit hindi siya magsalita alam ko na kung sino siya. Amoy palang niya kilalang-kilala ko na.
"Anong paandar na naman 'to Lewis?" nangingiting tanong ko ng maamoy ang bango ng rose harap ko.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Novela JuvenilForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.