Chapter 41 ( First Move )

24 1 0
                                    


Three days after ng graduation lumipat na ako sa bahay ni Krause. Wala ng dahilan para manatili pa ako sa bahay malapit sa school dahil bakasyon na.

One week nalang din kasi kasal na namin ni Krause.

Nung una ko yun malaman, sobrang dismayado ako. Naisip ko nun malalayo na ako kay Lewis which is na talagang mahal ko.

Pero nung malaman ko na lilipat din pala dun si Lewis nabuhayan ako bigla.

Magkakasama din pala kami sa iisang bahay. Tapos sinisimulan ko na gawin ang plano.

Ang saya nga e.

Krause' PoV

T*ngin*ng buhay!

Pangatlong araw na ginagawa ni Sheen 'to. Palagi nalang siyang umaalis ng bahay ng hindi magpapaalam.

Kapag tatanungin ko naman ang kapatid ko, wala daw siyang alam.

Kakauwi ko lang galing sa kumpanya. Tapos ganito ang aabutan ko. Putcha naman!

Nakakaasar naman ang mga tao dito. Psh!

Lumabas na ako at mabilis na pinaandar yung kotse ko. Saan ko na naman kaya yun hahanapin?

Nung unang araw sa mall ko siya nakita. Pagdating ko dun kung anu-ano ang mga pinagbibili niya at ang worst lahat yun pinabayaran niya sa akin.

Okay lang naman sana, ang kasi lang hindi naman niya magagamit yung iba pero binili niya parin.

Nung pangalawang araw naman, nahanap ko siya sa isang casino.

Casino! Bwisit! Kelan pa siya matutong magsugal?

Tapos naabutan ko pa siya sa isang nakakaasar na sitwasyon.

*Flashback*

Pagpasok ko sa casino naabutan kong may nagkakagulo. Mayroon atang nagaaway kaya dun ako agad nagpunta.

Napagulo nalang ako sa buhok ko ng makita na si Sheen yun. Nakikipagaway sa isang matandang babae.

Lumapit ako agad sa kanya at inawat siya.

"Sheen ano ba! Ba't ka nagi-iskandalo dito?!"

Tumingin lang siya tapos nagsalita dun sa matandang babae. "Hoy matandang hukluban! Wag na wag mo na ulit akong kakantiin at malilintikan ka talaga sa akin!"

Pot@! San niya natutunan makipagaway!

"Sheen naman. Tama na."

"Wag kang mangialam dito Krause!" sigaw niya pabalik.

Tumingin ako sa matandang babae na inaway niya at humingi ng paumanhin. "Pasensya na po ma'am."

"Hoy mister! Pagsabihan mo yang girlfriend mo ha! Ang talas ng dila!" mataray na sabi nung manang.

Kahit hindi ako sanay na humingi ng tawad nagawa ko na para lang maprotektahan si Sheen.

"Pasensya na po talaga." sabi ko tsaka inakbayan si Sheen para umalis na. Pero biglang nagsalita yung babae.

"Aba teka lang! Ibigay niyo muna ang kotse na ipinusta nung babaeng yan. Natalo siya kaya sa akin na yun!"

Agad akong napatingin kay Sheen na umiwas naman ng tingin saka iniabot sa akin yung kotse.

Naknang. Yung estrada ko ang ipinusta niya. Talaga naman oh.

Nailing nalang ako at ibinigay dun sa babae yung susi. Kahit labag sa loob ko, wala na akong nagawa. Fvck!

*End of Flashback*

Ngayon, wala siyang dalang sasakyan kaya mas mahihirapan akong hanapin siya.

Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon