Hindi ko na alam ang gagawin ko ng makaalis si Lewis. Gusto kong tawagan si Kiel, but it will be too obvious naman na gusto kong makialam.
So I decided to trust Lewis. Sabi naman niya saka siya magpapaliwanag, I better calm down and relax myself.
Dahil sa pagaaliw ko sa sarili, hindi ko namalayan na nage-enjoy na pala ako sa pakikipaglaro dito sa dalawang mokong.
"Ang galing mo pala Sheen! Minsan lang kami nanalo aa." Krause shouted nung matapos ang laro.
Syempre, I am use to play this game. Ako ba naman araw-araw kulitin ni Lewis na maglaro.
Hays. Lewis na naman. Bakit ba na-miss ko ata siya ngayon?
"Sheen nagugutom kana ba?" nagulat ako kay Krause na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.
"Medyo." gutom naman na talaga ako.
"Sige, magpapadeliver nalang kami."
Tumango nalang ako. Habang naghihintay ng pagkain, nag-play sila ng dvd. Action pa nga e, aliw na aliw sila pero ako lumilipad ang isip dahil hanggang ngayon hindi pa tumatawag si Lewis.
Alalang-alala na talaga ako dun. Ano na kayang nangyari sa kanya. Tss.
Napalundag ako sa gulat ng biglang hinawakan ni Xien ang kamay ko.
"Kaen na Sheen, parang ang lalim ng iniisip mo." Sh*t, hindi ko namalayan ang pagdating ng pagkain.
Nang matapos kumain, ipinagpatuloy lang namin angmovie marathon.
Medyo nakakabored narin ang pinanunuod namin para sa akin, pero dun sa dalawa hindi.
Halatang magkasundo at magkaibigan sila. Kahit na inip na inip na ako, hindi ko magawang antukin.
There's a part of me hoping that Lewis will be back here. Hays, alam kong maling umasa pero hindi ko mapigilan.
*
Past 11 na ng matapos kaming manuod. Dinalaw na ako ng antok na sa tingin ko ay nahalata nung dalawa kaya nagpaalam na din sila.
Late night naman na kasi, hindi sila pwedeng magpaumaga dito kasi may pasok na bukas.
After ko silang hintayin makaalis, nanatili pa ako sa labas ng bahay. Nakatitig sa bahay ni Lewis.
Tss, san na kaya nakarating yun?
Masakit man isipin, siguro magkasama na sila ni Kiel ngayon.
Pakiramdam ko may kumukurot sa puso ko. Dati ako itong gustong-gusto na palagi silang magkasama. But now, I feel I'm dying to think about them. Lewis and Kielzia together, happy and just enjoying the moment.
Aaaaargh.
Pumasok na ako sa loob at madaling pumunta sa kwarto. Kung kanina nami-miss ko siya, pwes ngayon naaasar na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Novela JuvenilForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.