Sheen's PoVThis is the day to forget about Lewis.Kahit sobrang sakit para sa akin gawin 'to, mas pinili ko parin ituloy ang lahat.
Talo na nga diba?
Ano pabang magagawa ko? Lahat madadamay kapag nagbackout ako. Hindi ako ganun ka-selfish para isipin lang ang kaligayahan ko.
Kahit si Daddy, *sob maraming maaaring mangyari sa kanya kung hindi ko 'to pinagpatuloy.
Psh. Ano ba yan. Ang ganda-ganda ng ayos ko tapos abot ang emote ko dito sa loob ng kotse.
Sa lahat ata ng bride ako lang yung paalis palang ng bahay humahagulgol na ng iyak.
Ang pinakaiba lang talaga ay yung katotohanan na hindi 'to tears of joy dahil ikakasal na ako.
Ayokong magpanggap dahil ayaw ko talagang magpakasal sa kahit na kanino maliban kay Lewis.
Kay Lewis na mukhang isinuko na ako, hindi lang pala ako pati narin ang nararamdaman namin para sa isa't isa.
Hindi na niya ako kinausap, hindi narin niya sinasagot ang mga tawag ko.
Mas nasasaktan tuloy ako.
Habang tumatagal nadadagdagan yung kutsilyo na nakasaksak sa puso ko.
Hindi ko alam kung makakaya ko pa lalo na kung nasa loob na ako ng simbahan.
"Ma'am bakit parang ang lungkot niyo po? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" tanong nung driver sa akin.
Yung totoo ba manong? Yung totoo masamang-masama po ang pakiramdam ko.
Masama dahil hindi lahat tama 'to.Ayst.
"Hindi po manong." I lied.
"Sige po ma'am, heto na po tayo. Congratulations po."
"Salamat manong."
Huminto na ang sasakyan. Bumaba si manong at inalalayan akong bumaba.
Bumungad sa akin ang isang malaking pintuan. Ang pintuan na magbubukas sa panibagong buhay para sa akin. Ang buhay na kailan man ay hindi ko pinangarap na mangyari. *sigh
Cyr Krause PoV
Unti-unti ng bumubukas ang pintuan. Kasabay ng pagsimula ng isang tugtog. Isang kanta with a slow but seems so sweet beat.
(a/n: Love me like you do by Ellie G. po yung music pero slow beat. Try to search nalang po para mas dama natin. Yey!)
..You're the light, you're the night
You're the color of my blood..Sa pagpasok ng liwanag ay ang pagbungad ng isang babae na pinakamaganda sa akin.
Humahakbang na siya papasok ng simabahan.
..You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch.
Never knew that it could mean so much, so much ..Alam kong masiyadong mabilis ang mga nangyari. Pero kailangan na, ayoko ng mawala pa ang babaeng 'to sakin.
Siya nalang ang nagiisang babae na mamahalin ko at hindi papakawalan. Ang kamay na tangi kong hahawakan.
.. You're the fear, I don't care
'Cause I've never been so high.
Follow me through the dark
Let me take you past our satellites..Siya yung babae na natatakot akong mawala dahil siya ang alam kong deserving para sa pagmamahal ko.
Kahit ano pa mang nangyari sa nakaraan namin, handa akong kalimutan yun lahat para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Fiksi RemajaForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.