Cyr Krause PoV
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng sistema ko ang lahat-lahat ng bumungad sa akin sa kwarto ni Lewis.
Langya. Akala ko ayos na ang lahat. Pero akala ko lang pala yun. Sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala, at isa na nga ata ako dun
Gusto ko ng mamatay ngayon ding oras na'to, sa mismong lugar na'to. Dahil yun lang ang naiisip kong dahilan para matapos na lahat.
"Sh*t!" sigaw ko sabay pasok sa loob ng kotse. Gustong-gusto kong hilahin si Sheen kanina at kaladkadin palabas nung bwisit na kwarto na yun!
Mabilis kong ini-start ang kotse at inilabas sa garahe.
Ilang araw nalang kasal na namin bakit ganito pa ang nangyayari. Palala ng palala kada lilipas ang isang araw.
Ito naba yung parusa sa pagsisinungaling ko kay Sheen o nakatadhana talagang hindi siya para sa akin. Ugh! It can't be!
"Damn!" nagpreno ako agad ng may humarang na babae sa daan. Napaupo siya o kaya wala ng malay dahil hindi ako sigurado na hindi ko siya nabangga.
"Sira kabang babae k--- Yra?"
Putcha! Si Yra pala yun. Mabilis ko siyang nilapitan at binuhat papasok sa kotse.
T*ngina Cyr! Dahil sa mga kagaguhan ko ang dami ng nadadamay.
Sinulyapan ko saglit si Yra na wala paring malay. Takte, ano ba kasing pumasok sa utak ng babae na'to at bigla nalang siya humarang. Magpapakamatay din ba siya. Tss.
Mabilis ko lang siya naihatid sa hospital. Buti naman at wala siyang nakuhang sugat o anu pa man.
Heto lang siya, walang malay. Sobrang takot lang siya kanina kaya siya nahimatay.
Kakaiba talaga ang mga trip nitong pyinsesa ko.
Nangingiti nalang ako habang pinagmamasdan siya na nahimbing na natutulog.
Ganito din kapayapa ang mukha ni Sheen nung sa bahay siya natulog. Magdamag ko siyang binantayan nun.
Ugh! Bakit ba siya na naman ang naiisip ko. Tss.
Sheen. Paano ko ba mapapalitan si Lewis diyan sa puso mo.
Lahat naman na ginawa ko para mapanatili ang ngiti mo, pero bakit siya parin ang gusto mo kahit lagi ka lang nasasaktan ng dahil sa kanya.
Hays.
"Sheen!" Nagulat ako ng biglang may humawak sa mukha ko.
Si Yra pala. Ngumiti ako, "Buti naman at gising kana."
"Wag mong piliting ngumiti dahil kitang-kita kong lumuluha ka." dun ko lang napansin na umiiyak na nga pala ako. Kaya niya hinawakan yung mukha ko para punasan ang mga luha dito.
Hindi nalang ako umimik. Hays. Sesermunan lang ako nito.
"Wag mo nang itago. Ano na naman ginawa ni Sheen sayo?" umiling ako.
Ang tsismosa naman ng bestfriend ko.
"Wala nga Yra. Magpahinga ka nalang ulit at ng makauwi na tayo, magpapaliwanag kapa sa akin."
"Wala akong dapat ipaliwanag. Ikaw ang magpaliwanag sa akin. Tell me the truth behind those eyes. Ang panget Cyr kaya iopen mo na agad para mawala na yan." hays. Wala talaga akong kawala sa kanya. Basang-basa na niya ang nasa isip ko.
"Nakita ko si Sheen."
"Oh tapos?"
"Nakita ko siya sa kwarto ni Lewis."
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Teen FictionForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.