Sheen's PoV
Gulat at kaba ang naramdaman ko ng marinig ang pagbagsak ng tray sa may gawing pintuan.
Napako ang tingin ko sa lalaking nakatalikod na at tinutungo ang daan palabas ng kwarto.
"Lewis?!" I shouted. Pero hindi niya yun pinansin, nagpatuloy lang siya sa pag-alis.
God! Ano nang gagawin ko. Sigurado akong narinig lahat ni Lewis ang mga nakakasukang sinabi ko.
Shit lang. Kung wala lang akong sugat, at this time sinundan ko na siya at nakayakap na ako sa kanya, saying my apologies.
"Anong problema ni Lewis?" ang tanong ni tito na nakabasag sa katahimikan naming tatlo.
"I don't know dad. I'll better talk to him later." sagot naman ni Krause.
Kakausapin niya si Lewis tapos ano ang sasabihin niya? Mga kasinungalingan din katulad ng simabi niya sa dad niya. Tss.
"Okay son. I'll go now, I have a meeting with the board members."
"Okay dad."
"Sige po tito. Ingat." pilit yung pagsabi ko. Siniko lang ako ni Krause kaya ako nagsalita. Psh. Kaasar.
"Let's go dad. Hatid na kita sa labas."
Then I watched them as they get out of the room. Langya ka Krause ang buong akala ko, mabait ka.
Ngayon ko lang nalaman na you will always play the same trick. Katulad ka padin ng dati, gagawin mo ang lahat makuha mo lang ang gusto mo.
Hindi mo iniisip kung may masasaktan kang tao.
Pero, hindi mo din natandaan Krause na ako parin si Dhian. Hindi ako marunong sumuko. Lahat din gagawin ko, maipaglaban ko lang ang bestman ko. Si Lewis.
.
..on the other hand..
.Lewis' PoV
Nahimasmasan lang ako sa pagiyak ng mabangga ako sa isang poste dito sa basement ng ospital.
Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Kusang gumalaw ang nga paa ko.
Umupo ako at sumandal sa poste. Nanghihina parin ako, kahit ilang beses kong isipin na ikakasaya ni Sheen yun hindi parin matanggap ng sistema ko.
May bahagi parin ng utak ko na nagsasabing dapat kong ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Sheen. Ayst.
"Arghhh!" napasigaw at napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Ano ba kasing dapat kong maging reaksyon sa nangyari? Dapat ba akong magalit kay Sheen?
Pero hindi ko kaya, lalo na at kay Sheen pa. Sabi ko nga, ako ang tao na hindi marunong magalit sa taong mahal ko.
Siguro, kailangan ko lang ng pahinga. Kailangan kong ayusin muna ang isipan ko bago ako gumawa ng aksyon dito.
Hays.
Tumayo na ako at kinuha ang susi sa pocket ng jeans na suot ko. Uuwi muna ako, makapagbakasyon muna sa payapang lugar para makapagisip-isip.
Hindi ko pa kasi kayang harapin si Sheen sa mga oras na'to. Paniguradong hindi kami magkakaintindihan.
Lumakad na ako papunta sa motor na binili ko gamit ang pera ni tandang bigote.
Tss. Bwisit talaga.
I wear my jacket, yung helmet hindi ko muna sinuot.
Umupo ako to check my tires. Medyo malayo din ang lalakbayin ko mainam na yung nagiingat.
Pasakay na ako sa motor ng may biglang kumuha ng helmet sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Teen FictionForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.