Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula kung saan. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata pero sh*t lang, hindi ko kaya.
Sobrang sakit ng ulo ko. Gaano ba kagrabe ang ginawa ko kagabe at ganito ang pakiramdam ko ngayon.
Gising na ang diwa ko, pero ayaw pang bumangon ng katawan ko.
Siguro ayos lang naman na ma-late ako ng gising, wala namang pasok saka ako lang naman magisa dito sa bahay.
Pero teka?
Kung wala akong kasama, sino ang nagbukas ng kurtina dito sa kwarto?
Sh*t! then realization hits me.
Wala ako sa bahay.
Hindi ito ang kwarto ko.
D*mn! Dito ako natulog sa kwarto ni Krause?
My God. Ngayon ko lang naaalala ang mga pinaggagawa ko last night.
Nakakahiya. Binalot ko ang buong katawan ko ng comforter. Malay ko, baka andito lang siya sa kwarto.
Grabe, wala na ata akong mukha na maihaharap sa kanya. Baka kung anung isipin niya sa akin. Nakakainis. Tss.
Ilang minuto din na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Sa palagay ko wala naman siya.
At finally bumangon na ako, medyo may hangover pa talaga. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto.
Based on my observation, this condo worth millionsssss. Maraming S? Yep, dahil ganun kamahal 'to. Hindi naman ako magtataka dahil mayaman talaga sila Krause.
Medyo natanggal na ang pagkirot ng ulo ko.
I decided to go out, nagugutom pati narin ako.
But, aakma palang ako na tatayo ay bumukas na ang pinto at pumasok si Krause. "Breakfast is ready. Let's go?"
Sabi ko nga. Hindi ko tatanggihan yan dahil gutom na talaga ako.
Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad papunta sa kusina.
Table for two lang ang set-up nitong kitchen niya. Sabagay, magisa nga lang din pala siya dito.
Napansin ko na nakatitig lang siya sa akin habang naghuhugas ako ng kamay.
"Grabe lang makatingin?" haha, nakakatunaw.
"Hindi naman. I'm just checking if the dress I bought fits to you."
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Teen FictionForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.