*mulat isang mata 0_
*mulat parehas 0_0
*lingon kanan (aa nasa isang kwarto ako)
*lingon taas (sosyal ang ganda dito)
*lingon kaliwa
Waaaaaaaaaah !!!!!! Asan ako at sino tong babae na katabi ko sa kama?.
Napatayo ako nung makita ko yung babae na kaholding hands ko habang natutulog kame??
Shhhh! Ang sakit na nga ng ulo ko e. Sumisigaw kapa dyan. Naku naman Lewis sabay takip niya ng unan sa mukha niya.
Shemay si Kielzia lang pala yung kasama kong nakatulog. Psh. Akala ko kung sino na.
Teka? Si Kielzia?? Katabi ko habang magkaHHWS (Holding Hands While Sleeping)
Naknang! Amputs. Swerte ko ata ngayon hehe.
Sige na nga, sabe ko nga wag ako maingay at natutulog pa si Ms. Beautiful.
*Lakad konti.
*Upo sa gilid ng kama.
Swerte ko naman talaga ngayon, akalain mo masosolo ko ang isang dyosa. Hehe
At oo nga pala? Nasaan kame? Paano kame napunta dito at ano ginagawa namin dito?
*Isip-isip
Bigla ko naalala yung nangyari, may sasabihin saken si Kielzia tapos may usok. Hinawakan ko siya para subukan bumaba.
*tango-tango* kaya pala hawak ko parin kamay niya kanina.
Tapos nun, nawalan na kame ng malay.
Tapos?
.
.
.
.
.
.
.Wala nako maalala. Haay.
*katahimikan*
Kielzia's POV
Naramdaman kong medyo gumagalaw kung sino man yung katabi ko ngayon na nakahiga.
Binuksan ko ng konti yung kanan kong mata para makita ko yung mokong na nakahawak pa talaga sa kamay ko.
At OMG! Si Lewis?
Oo siya nga. At mukang gising na siya. Lilinga-linga, tinitingnan ang buong kwarto.Humarap siya saken at biglang ----
Waaaaaah!
Sigaw niya at gulat na gulat. Dali-dali siyang tumayo papalayo saken.
Ang cute niya pala magulat. Hahaha. Pero ang sakit sa tenga nung sigaw niya. Sus. Kumirot tuloy bigla yung ulo ko.
Shhhh! Ang sakit na nga ng ulo ko e. Sumisigaw kapa dyan. Naku naman Lewis.
Sinigaw ko yan sa kanya sabay takip ng unan sa mukha para matigil siya at malaman niya na ako yung kasama niya.
Pfffft. Hahahaha. Nai-imagine ko pa din kase itsura niya kanina nung nagulat siya. Kaya nga ako nagtakip ng mukha para hindi niya makita pagtawa ko.
Hahahaha Laughtrip kase to e, hindi ko akalain na ganun pala magiging reaksyon niya pag nagising siya na may katabing babae.
Tumahimik na siya at dahan-dahang naupo sa gilid ng kama. Oo ramdam ko yung pag-upo niya.
Sinilip ko siya ng konti at mukhang ang lalim ata ng iniisip niya, pero ang gwapo parin niya kahit seryoso. ^___^
*Katahimikan*
Haaay. Bakit kaya hindi siya nagsasalita? Siguro akala niya naistorbo niya ako kanina. Haha
Gugulatin ko sana siya ng marinig ko ang pagkaluskos sa pinto.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Teen FictionForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.