Kielzia's PoV
Parang nasiraan ng bait yung dalawa nung maabutan ko sila sa 7/11. Kung hindi ko lang sila kilala napagkamalan ko na silang mga baliw.
Si Sheen nakawedding gown at si Lewis nakawhite na suit tapos naguunahan silang uminom ng slurpee?
San kapa? Haha. Lakas talaga ng tama nung dalawa na'to.
By the way highway, bakit nga ba ako umepal sa kanilang dalawa? Dahil dakilang epal ako dito? No,no,no.
Marami kasi kaming ice-celebrate ngayong araw na'to.
Hindi lang yung kasal ni Yra at ni Cyr, pati narin ang byahe papuntang forever ni Sheen at Lewis. Kami naman ni Xien, first day namin as boyfriend-girlfriend. Yap, ngayong araw ko din kasi siya sinagot at si Franz naman? Ayun, makikisama samin hindi dahil may jowa din siya, dahil naqualify siya sa nakapasa para sa course na teaching.
Saya lang diba? Parang dati, wala kaming pakialam sa isa't-isa tapos ngayon kami na yung magkakasama.
"Hoy! Ang tahimik niyo atang dalawa?" tanong ko sa lovebirds sa likod. Simula kasi nung sumakay na sila, hindi manlang mga kumikibo.
Aba, wala parin sumasagot. Tumingin ako sa salamin para makita ang ginagawa nila. Posha. Double face palm nalang.
Tulog sila? Napagod pa sobra? Psh. Yaan na nga, kailangan na namin makarating sa venue.
***
Third Person PoV
Nagising ang diwa ni Sheen dahil sa lakas ng tugtog sa kotseng sinasakyan niya.
(Now playing: Here's to never growing up by Avril Lavigne)
Gulat pa siya ng makita na nakasakay na siya ngayon sa isang open car.
Agad niyang tiningnan si Lewis na katabi niyang mahimbing natutulog padin.
"Oh Sheen? Gising kana pala?" bati ni Kielzia na nakaupo sa front seat katabi ni Xien na nagdadrive.
"San tayo pupunta?" out of nowhere na tanong niya dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Ngumiti lang naman yung dalawa at hundi siya sinagot.
Dahil nga bagong gising, asar agad si Sheen. Binatukan niya si Lewis ng malakas.
"Waaah! Aray naman Sheen, ang ganda na ng panaginip ko. Ba't kaba nambabtok huh?" with puppy eyes na sabi ni Lewis.
"Pano ang himbing ng tulog mo dyan. Wala kang pakialam kung san tayo dadalin nung dalawa na'to." asar na asar na si Sheen.
Sa isip ni Lewis wala siya pakialam kaya hindi niya pinansin si Sheen at nagtulog nalang siya ulit.
"Aba't tutulugan mo talaga ako ha!"
Akmang babatukan na ni Sheen si Lewis ng may bumusina sa likod nila.
"Argh! Nakakarindi naman!" sigaw ni Lewis na napuno na sa kakulitan ni Sheen.
*boink
"Wag kang sumigaw!" - Sheen na super sayan mode na.
Nagtawanan nalang si Kielzia at Xien dahil sa mga pinaggagagawa nung dalawa.
"Hahahaha. Sapak kayong dalawa e noh?" - Xien na tuwang tuwa.
"Pffft. Oo, hindi parin sila nagbabago." - Kielzia na nagpipigil ng tawa.
Tumingin ng masama yung dalawa. "Tse" sigaw nila sabay crossarm at nagiba ng tingin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Teen FictionForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.