Sheen's PoV
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Magagalit, maiinis o matutuwa.
Kalokohan na naman ba nila 'to? Pwes. Hindi na biro ang sinasabi niya.
"Please naman Krause. Kung against ka lang sa pagkakasal samin ni Lewis, hindi naman 'to magandang dahilan." Iwas ang tingin ko sa kanya. Ganun ba siya ka deaperado na makuha ako. Kahit hindi kapani-paniwalang dahilan sasabihin niya??
"Sheen, seryoso ako. You're pregnant." he said with a pleasing voice.
"Krause naman. Paanong mangyayari yun, ano ako si Virgin Mary??" pasigaw na akong magsalita. Naasar na ako dahil ipinipilit niya parin ang kalokohan niya.
"T*ngna Sheen. Nakalimutan mo na ang ginawa mo nung gabi na natulog ka sa bahay."
Shit. What does he mean? What happened that night?
Oh my. Agad rumehistro sa akin ang mga naalala ko na ginawa namin nung gabi na yun.
Pero wala akong maalalang ginawa namin yun. Putcha naman. Lasing ba talaga ako nun.
"Sheen, I'm telling the truth. Kung hindi ka naniniwala. Let's go down and visit an OB."
Tumango nalang ako bilang pagsangayon. Mas makakabuti nga kung ganun.
Hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi ni Krause. Hindi ko matatanggap ang paliwanag niya.
Imposible naman na mabuntis ako sa isang beses lang. God! Pakiramdam ko talaga ang makasalanan ko na. Biruin mo, I give myself just because I'm drunk at anong mukha na ang maihaharap ko kay Lewis kung totoo nga buntis ako.
Gustong-gusto ko ng umiyak pero hindi ko magawa. Tinatatagan ko ang loob ko. Pinapakalma ang sarili ko, may chance naman kasi na nwlegative. Hays.
Hindi naman sa ayaw ko sa baby nato kung meron man, mali lang talaga.
Imagine, I'm engage with Lewis tapos biglang buntis ako ag si Krause ang ama.
Well, magkapatid lang naman sila. Ayst!
*
Hindi ako umimik hanggang makarating kami sa OB.
"Good Evening Mr. Krause! Mabuti po at umabot pa kayo."
So, planado. Nakausap na agad niya OB. Kung hindi pa niya nalaman na engage na ako kay Lewis hindi pa siya magsasalita about sa pagbubuntis ko.
"I'm sorry Dra. Sandra for being late. Kita niyo naman po na hindi pa siya masiyadong magaling."
Syempre ako ang tinutukoy niya na yun.
"Its okay sir, its my pleasure to serve you."
Ang dami nilang daldal. Hindi pa simulan ng magkaalaman na.
"Okay Honey, sama ka muna sa akin para maicheckup kita."
Lumapit siya sa akin at pumasok kami sa isang kwarto dito.
Isinagawa na namin ang mga dapat gawin. After nun, ipinalabas na ako at naghihintay na kami ngayon sa result ng checkup.
Shete lang, bat ako kinakabahan. Para akong naiihi na ewan. Sorry Lord, sana lang negative ang resulta.
*Door Opens*
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinarap si Dra.
"I'm glad to say Mr. and Mrs. Krause that the result is possitive. Both of you will have a baby after nine months!" masiglang sabi ng doktora saka iniabot niya ang pregnancy test sa amin.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Genç KurguForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.