Nagiinat-inat pa ako nang makababa sa taxi na sinakyan namin.
Ang lamig sa lugar na'to, hindi katulad sa city. Tapos iba pa ang simoy na hangin, hindi nakakamatay.
"Ahm, diba may pasok ngayon? Baka hanapin ako ni Dad." tanong ko kay Lewis habang naglalakad kami sa isang malawak na pathway.
Umakbay siya sa balikat ko habang hawak sa kabilang kamay ang bag na puno ng gamit ko.
"We will stay here for five days Sheen. Nakausap ko na si Mr. Fortagee about that. Hangga't andito tayo, kalimutan mo muna kung anong naiwan natin. Just think about you and me together."
Sabi ko nga e. Pero? Ganito pala magmahal si Lewis? Gusto niya puro siya lang ang occupied ng utak ko?
Hindi ko inaasahan 'to. Akala ko puro kalokohan lang din ang nasaisip niya kapag yung taong mahal niya yung kasama niya.
Hays. May tinatago pala siyang gantong katangian pagdating sa love. Mokong na'to. Haha.
Isang malaking bahay na gawa sa kahoy ang tutuluyan namin dito. Yung parang sinaunan ganun.
Sabi ni Lewis dito daw siya nakatira dati bago lumipat ng city.
Ang creepy ng ambiance kaya todo kapit lang ako sa kanya. Natatakot ako, parang nasa bahay ako na napapanuod ko sa mga movies.
Bumitiw saglit sa akin si Lewis upag ibaba ang mga bag namin.
"Waaaaaah!! Shit! Shit!" sigaw ng bigla akong gulatin ni Lewis.
Tss. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na hindi siya nagiisip ng kalokohan.
"Hahaha. Laughtrip Sheen yung itsura mo nung nagulat ka."
"Leeewwiiiiis!!!! Arggggh!"
Pagkasigaw ko ay mabilis ko na siyang hinabol. Lokong 'to, pinagtri-tripan na naman ako. Akala ko pa naman nagbago na siya.
Paikot-ikot kami ngayon sa loob ng sala. Maabutan ko na sana siya, pero mabilis ang lintik at nakaiwas pa.
Hinigit niya ang mga bag namin at mabilis na tinungo ang hagdan para umakyat.
Sumunod lang ako sa kanya at umakyat din.
"Opo kamahalan." sagot naman niya habang sinisimulan na ang pagliligpit sa mga gamit namin.
"Good. Mag-shower lang ako noh? Dapat pagkatapos ko tapos kana diyan huh?" then I smirked.
"Opo sige." Masunurin naman pala siya. hehe "Dun yung banyo." sambit niya sabay turo nun.
"Okay, mabilis lang ako para ikaw na ang susunod."
Lumalakad na ako papunta ng banyo ng bigla akong tinawag ni Lewis.
BINABASA MO ANG
Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)
Fiksi RemajaForever is a fantasy while Lifetime is the reality. Falling inlove hides a mystery. A mystery that two hearts can find if they beat as one.