Chapter 26 ( Red Days )

23 2 0
                                    

“Oh my God!”

“Woah.”

“She’s beautiful.”

I traced the direction where they are looking and I see a girl with a long hair, beautiful face and sexy body beside a guy who is very familiar to me.

“Shocks! Lewis?!” Kielzia shouted with disappointment. Pati narin si Krause at Franz ay napatingin nung sumigaw si Kiel.

“Yra?” – Franz

So, she’s Yra Violago. The girl who’s arms wrapped to Lewis. Ramdam  ko ang biglang kurot sa puso ko at galit sa bawat daloy ng dugo ko. Why this bitch flirting with Lewis? Grrr. Ano bang sinasabe ko.

Siya ba ang dahilan  na sinasabi ni Lewis? Personal matter? How come?

Kaya ba ayaw niya akong isama sa pupuntahan niya? Dahil etong babae na’to ang susunduin niya. Pakshit lang. Sana sinabi nalang niya agad. Ano bang dapat kong maramdaman. Parang may pumipiga sa puso ko habang nakatitig sa kanilang dalawa na Masaya.

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Krause sa kamay ko.

“G*gong Lewis ‘to!” galit na sabi ni Krause sabay  lakad  ng  mabilis papunta sa kanila.

Tinitigan ko si Lewis na hindi manlang tumitingin sa akin, gusto ko din siyang puntahan  at kausapin. Pero nanghihina ako kaya hindi ko magawang kumilos at umalis sa kinatatayuan ko, hanggang sa may naramdaman akong umagos na kung ano sa mga pisngi ko. Namalayan ko nalang na nasa harap ko na si Kiel and she is pulling me to leave this place.

“Sa-saan mo a-ako dadalhin?” nauutal kong tanong. Ewan ko, wala akong ibang maramdaman at makita kundi yung babaeng yun na nakaakbay kay Lewis. Silang dalawa na masaya.

Nagpatianod nalang ako sa paghigit ni Kiel hanggang sa makarating kami sa reserved  room. Pinaupo niya ako sa sofa at humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

“Nakakaloka ka Sheen. Dapat ako ata ang magme-mega cry diba? Ba’t bigla kang umiyak huh?”

Hindi ko siya sinagot, hindi ko kayang umamin at saktan si Kiel. Hindi ko kaya.

“Sheen aminin mo na sa akin. Okay lang naman e, maiintindihan naman kita dahil kung ako ang nasa sitwasyon mo siguro ganyan din ang gagawin ko.” Sabi niya habang hinahaplos ang mga kamay ko.

Hindi parin ako nagsalita. Wala akong lakas ng loob para dito. “Please Sheen, sabihin mo lang sa akin lahat ng nararamdaman mo. Mas gagaan ang loob mo pagnagkwento ka sa akin.” She sounds so serious.

Kielzia’s POV

Hindi ko alam kung ba’t ko nagawa kong  na puntahan agad  si Sheen at dalhin  siya dito sa reserved room. May nagtutulak sa akin na i-comfort ko siya. Bakit nga ba kasi siya biglang umiyak nung makita niya si Lewis kasama nung impaktang babae na yun na sobrang flirt. Nakakagalit ng bangs. Tss.

As a bestfriend, medyo may pagka-OA na yun diba?

“Please Sheen, sabihin mo lang sa akin lahat ng nararamdaman mo. Mas gagaan ang loob mo pagnagkwento ka sa akin.” Malumanay kong sabi.

“Ahm, Kiel?” tawag  niya sa akin na nananatiling nakayuko parin.

“Hmmm?”

“Ano ang naramdaman mo nung makita mong may kasamang iba si Lewis?” tanong niya.

“Ano bang  tanong yan Sheen? Siyempre medyo may kirot, may sakit pero hindi ko alam ang totoo sa kanila kaya gulat nalang ang reaction ko.”

Sheen’s POV

“Ano bang  tanong yan Sheen? Siyempre medyo may kirot, may sakit pero hindi ko alam ang totoo sa kanila kaya gulat nalang ang reaction ko.”

Tama si Kiel dun, ba’t nga ba ako nagreact ng ganun? Why did I find the truth first?

I smiled bitterly. “You’re right. Thanks Kiel. Let’s go? May klase pa tayo.”

Tumayo na ako at naunang lumakad. Bubuksan ko na ang  pinto ng hinawakan ni Kiel ang balikat ko. “Are you sure you’re okay now?” she asked.

“Yap. Sobrang emotional lang ako ngayon Kiel. Red days, monthly period alam mo yan.” ^__^

“Haha, kaw naman pinakaba mo ako dun.” Nakangiting sabi din naman niya.

Kanina kasi halatang nagaalala siya, pero mukhang ngayon naniwala na siyang okay ako.

Kung alam mo lang Kiel. This is the start of my red days, the start of feeling the pain inside my heart. The pain that I’m fear about, that one day I will wake up without Lewis in my life.

*

Si Xien ang naghatid sa akin pauwi, may pupuntahan daw si Krause kasama si Franz. Sandali lang nanatili si Xien dito sa bahay, umalis na din siya agad.

Now, I’m here in my room. Kinakausap ang kisame, nagtatanong ng kung anu-ano tungkol sa kung anu mang nakita ko kanina.

Sino ba si Yra? Bakit siya kasama ni Lewis? Ano bang mayroon sa kanilang dalawa? Is Lewis cheating on me?

Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na yan, because I never had  the chance to ask Lewis.

Nung pagkabalik namin sa room hindi ko siya nakausap dahil never akong pinayagan ni Krause na lumapit sa kanya. Hindi ko alam, galit na galit siya kay Lewis.

Wala akong alam sa nangyari kanina dahil umalis na kami ni Kiel. Basta ang sabi lang niya “Stay away from Lewis, he’s not worth it for your tears.”

Madaling sabihin para sa kanya yun. Pero para sa akin mahirap, dun palang sa first two words ang hirap nang gawin  para sa akin. Iniisip ko palang na magkakalayo kami, I feel like I’m going to die. Haaay.

Then I feel tears running through my face. Eto na naman yung makukulit kong luha. Lumalabas ng walang permiso.

Pero, kung ang katotohanan ang paguusapan. Hindi ko kayang lumayo kay Lewis. Oo siya kaya niya, matitiis niya ako. But, I will never do the same.

I will never give up my love for him. No, never.

------------------------------------

Abangan ang susunod na kabanata. ^__^

 

DhziinJr

Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon