Chapter 31 ( Proposal )

39 2 0
                                    

Everyday is a mess. Kung hindi lang ako may sakit malamang natamaan na sa akin yung dalawa na’to.

“T*ngina, Lewis ako na nga magbabalat ng mansanas.” – Krause na nakikipag agawan sa kutsilyo.

Kumamot sa ulo si Lewis at ibinigay ang kutsilyo kay Krause. “Oh ayan, napakakulit mo. Sige balatan mo ng maayos ha.”

I’m speechless.

Sinimulan ni Krause na balatan ang mansanas and he wasn’t able to peel it off. Psh. Kawawang bata.

“Haha. Tamo-tamo, hindi ka naman marunong. Ang bobo mo bro.” tuwang-tuwang banat ni Lewis. Kahit ako natutuwa sa kanila, nang dahil sa akin madali silang nagging okay.

“I can do it. Wag kang maingay diyan, nagco-concentrate ako dito.”

Wow. Kailangan pa pala ng concentration sa pagbabalat. Tss.

“Sus. Palusot ka pa ang sabihin mo hindi ka talaga marunong. Nakakatatlong mansanas kana oh.” sabay turo niya sa mga kawawang mansanas na hinalay ni Krause. Haha, lagging ganito ang eksena sa kwarto ko kaya no wonder na 1 week palang mabuti na ang pakiramdam ko.

*

 I checked the time and its 5 o’clock in the afternoon. Kagigising ko lang and found Lewis beside me.

He smiled at me, “Sa wakas gising kana. Tara makapaglakad-lakad? Kailangan mong makapag-exercise yang mga buto mo.”

Hmm, si Lewis na talaga ‘to. Bumalik na nga ba talaga yung dating siya? Pero alam kong hindi pa okay ang issue sa father nila. Pinapakalma lang nila ang sitwasyon dahil nga sa kalagayan ko and after this, hindi ko pa alam kung anung mangyayari.

I sigh.

“Is there something wrong?” he asked.

“Nothing. Tara?”

He pulled a wheelchair and handed me on it. Iniayos niya rin ang dextrose na naka-kabit sa akin. Sabi niya, maglakad-lakad daw pero bakit eto at nakaupo ako sa wheelchair at tinutulak niya. Sira talaga ‘to.

We leave the room and think sa rooftop kami papunta dahil sa last floor ang pinindot niya pagpasok namin sa elevator.

Ang ganda pala ng view dito sa rooftop. Tanaw na tanaw ang buong lugar.

“Ang ganda dito.” I whispered. “Oo, kasing ganda mo.” Shit lang eto na naman siya sa mga pa-fall niyang salita.

10

.

.

.

20

.

.

.

.

30 minutes na walang nagsasalita. May problema kaya?

“Ahm Sheen?” tumingin lang ako at hindi sumagot. “Can you give me another chance?” pagpapatuloy niya.

Ano ba ang dapat kong isagot? Sa totoo lang naman, mahal ko pa si Lewis pero natatakot ako na baka masaktan ako ulit.

Pero naisip ko lang, kung hindi ka masasaktan hindi mo masasabing nagmamahal ka. “I’m willing to give us another chance Lewis.” Seryosong sagot ko, yun naman ang kailangan naming diba?

Walang Forever pero Lifetime Meron (FALL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon