TYLER'S POV
Naalimpungatan ako sa bagay na nakapatong sa dibdib ko. Braso ni Taliyah habang yakap yakap.ako at ang muka niya na nakasiksik sa dibdib ko.
Napangiti nalang ako sa itsura namin ngayon. Malinaw pa sa isipan ko ang pag-iyak niya kagabi sa bisig ko.
Tama nga si Daisy, ibang klase ng babae ang asawa ko. Isang babae na hindi dapat pinapakawalan. Isang babae na mas mahaba pa sa wall of china ang pasensya. At mas malalim pa sa pacific ocean ang pagmamahal.
Korni na kung korni pero lintek, sobrang mahal ko na si Taliyah. Siguro nga tama ang payo saken ni Jake na minsan sa buhay natin kung sino pa yung taong di natin inaasahan mamahalin natin, sila pa pala yung taong di natin makakayang mabuhay ng wala.
Nasa akin na ang taong hihilingin ng lahat kaya di na ko gagawa ng bagay na ikakasira namin dalawa.
Napag-usapan na din namin kagabi na tuloy pa rin ang kasal. At kasama na roon ang obligasyon na magtitiwala kami sa isa't isa at walang lihim.
Matagal ko itong pinag-isipan. Siguro tama na ang panahon para sabihin ko ang totoong dahilan kung bakit ko siya binili. Sana lang mapatawad niya ko. Sana lang matanggap niya ko.
Sandali ko siyang tinitigan bago ko siya halikan sa noo at tumayo na ko sa kama.
Sandali akong naligo at nang matapos ako nakita ko si Taliyah na nakaupo sa gilid ng kama.
"Bakit gising kana? Maaga pa." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang buhok ko.
Bigla siyang nagpout kaya ako bigla akong natawa.
"I want to come with you" she replied, still pouting.
"Konti nalang hahalikan na talaga kita. Stop pouting, baby."
"Ah ah! I want to come with you!" pagmamaktol niya.
"I said just stop pouting, I never said you can't come with me" I replied.
And she rose to her feet and hurriedly hugged me.
"Really? I can come with you?" she said assuring.
"Of course. But, you must take a bath first and let's eat downstair" I adviced.
Mabilis siyang pumasok sa CR para maligo.
"Bibilisan ko lang!" sigaw niya sa loob.
"Take your time, baby. Maaga pa naman" pabalik kong sigaw sa kanya.
Mabilis lang din akong nagbihis ng coat and tie ko at inayos ko ang mga gagamitin ko sa presentation ko mamaya.
Hindi pa man ako natatapos, lumabas na si Taliyah sa CR na nakabath robe.
"May meeting ka ngayon?" tanong ni Taliyah saken ng makitang busy kong inaayos ang mga gamit ko.
"Oo. May new project kami" sagot ko sa kanya.
"Nga pala. Magtatayo kami ng business ni Daisy, isang restaurant" saad niya saken.
"That would be great! Buti at nagkakasundo kayo ni Daisy" sagot ko sa kanya.
Noon pa naman boto na sa kanya si Daisy e. Di naman siya inayawan e. Tuwang tuwa pa nga at si Taliyah ang papakasalan ko.
"Kayo lang naman ang di magkasundo e" sabi niya saken.
At napatawa nalang ako.
"Magkasundo kami non, talaga lang nagiinit ulo non kapag kasama kana sa usapan" sagot ko sa kanya.
Yun naman kasi ang totoo. Ewan ko ba kung paano non nalalaman, basta nalang siya nagagalit kapag inaway ko si Taliyah.
"Buti nga yon. Para may kakampi ako" mataray na sabi ni Taliyah pero alam mong natatawa.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...