TSW: Chapter 44

11K 194 4
                                    

Alam mo 'yung pakiramdam na halo-halo ang nararamdaman mo? Inis, galit, kaba, at takot. 'Yung tipong pag-upo pa lang ay gusto ko na muling tumayo at magpabalik balik sa paglalakad.

"Hoy ate! Kanina ka pa lakad nang lakad. May problema ka ba?" tanong sa akin ni Daisy kaya sandali akong napatigil sa paglalakad.

"Wala," maikli kong tugon at naglakad ulit.

Bakit ko naman kasi pinayagan pa si Tyler na makipag-usap sa babaeng 'yon. Nakakainis lang kasi ngayon nagsisisi na ako.

She really wants to play dirty games. And I'm not a gamer nor a player to join her.

What if sundan ko na lang siya? Hay! Baka magalit lang sa akin si Tyler eh. Kaya lang, kung hindi ko naman siya susundan ay mas lalo lang akong maiiyamot dito sa cake shop.

Ang sabi niya sa akin ay alas tres sila mag-uusap ni Cassandra sa isang coffee shop. Hindi na niya sa akin sinabi ang mismong lugar.

Maaga pa naman kaya may panahon pa ako para mag-isip. 'Tsaka baka mamaya magbago pa ang isip ng asawa ko at hindi na tumuloy sa usapan nila ni Cassandra.

Magre-relax na nga lang muna ako. Ayoko na muling ma-stress. Baka mamaya madala na naman ako sa ospital.

"Ate!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Kung may sakit lang talaga ako sa puso, nako!

"Ate, hindi mo naman nasabi na sikat pala ang in-laws mo. Grabe ha? Take note! Ang gaganda ng lahi nila parang tayo. H'wag nga lang isama si kuya."

Ewan ko ba sa batang ito kung bakit laging sinasabi na pangit ang kuya namin.

"May galit kaba sa lalaki, Kessia? I mean, gwapo naman si kuya Iñigo. Then why you still pushing na pangit siya?"

Marahan siyang umupo sa upuan sa tapat ng mesa ko. Inikot niya pa ang isang picture frame na nandoon at tiningnan ng mabuti.

"I don't hate boys. But, I hate doctors. Lalo na 'yang si kuya," sabi nito na nakapagpaawang ng bibig ko.

Prangka rin ang isang ito eh. Wala man lang pasakalye eh.

"Bakit naman? Do you have some misunderstanding with kuya?" I asked.

"None. Pero ang kokorni nila. Hindi ko naman nilalahat. Pero kasi puro sila career oriented. Walang lovelife, social life, friends. Basta! Ang korni!"

"Oh? Maaapektuhan ka ba nila?"

"Ays! Si ate naman eh. Ganito kasi 'yan. I had a crush. He's soon to be a pediatrician. May gusto rin siya sa akin. We are text---"

"My gosh! You're too young, Kessia! Crush? Texting? Buti at pinapayagan ka ni kuya."

"Ate naman eh! Text lang naman 'yon. 'Tsaka kaya nga ako naiinis kasi pinagbantaan yata ni kuya si crush."

"Kahit ako 'yun din ang gagawin ko. Bata kapa, Kessia. For good sake!"

"H'wag na nga lang tungkol sa akin. Kay kuya talaga ako naiinis."

"And why is that so?"

Itong batang ito akala mo matanda na. Puro problema na eh.

"Tatandang binata si kuya! Ayaw niya kasing mag-asawa!" hiyaw nito.

Napatingin na lang kami sa pinto nang biglang kumatok si kuya para kunin ang atensyon namin.

"How many times do I have to tell you that I'm doing this for you?"

"Sa akin? Na ayaw mong mag-asawa kasi mag-iisa na ako? Kuya naman! Kailan mo balak mag-asawa, kapag 25 na ako? Yuck! 43 kana n'on!"

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon