TSW: Chapter 7

19.9K 379 10
                                    

TALIYAH’S POV

“Hoy bakla! Kanina pa yun nakatingin sayo oh!” bulong ni Cedric sa tenga ko pero may kalakasan iyon.

Agad naman akong tumingin sa taong tinuturo niya. At nakita ko doon ang isang gwapong lalaki na nakatitig saken. Tss! As if I care. Maglaway siya jan, dahil sa ganda ko.

If you are asking where we are. Andito lang naman kami sa isang bar sa manila. Sikat na bar dito sa Manila, and D&S bar.

“Hayaan mo siyang maglaway jan na parang asong ulul” I replied and drank the vodka.

“Taray ng lola mo. Bakit kasi ganyan suot mo? Nabaliwala tuloy ang beauty ko dito” paghihimutok niya saken.

Ano bang suot ko? Wala! Haha! Charot. I’m just wearing a black tube dress na fit from boobs to waist pero maluwag sa bottom. Basta ganon, mahirap iexplain pasensya naman.

“Ngayon lang ulit ako nakapunta dito kaya pagbigyan mo na ako”  sabi ko.

Wala naman akong nasabi sa inyo na hindi ako marunong gumimik diba? Well, nung nag-aaral kasi ako nung college mahilig akong dalhin dito ni Jess at Cedric kahit ayoko. Bad influence po sila, sila kasi ang nagturo saken na mag-inom. Kaya ayan, nasanay ako…pero noon yun. Kasi ngayon, nakakadalawang shot pa lang ako pakiramdam ko naikot na ang paligid ko.

Ang tagal ko na kasing tumigil sa pag-iinom. Simula nung nagtrabaho ako sa isang restaurant near Batangas, tumigil na ko. 20 years old ako that time, and now I’m 24, more than 3 years din yun aba! At hindi yun biro para saken.

“Tss! Ano pa nga bang magagawa ko. So, okey ka lang ba dito? Maghahanap lang ako ng boys ko, di kasi ako mapapansin hangga’t katabi kita e.” pagpapaalam niya saken.

“Go ahead. Mamaya ako pa sisihin mo e. I’ll be fine here. Enjoy!” I said.

“Call me if you need something, okey or kung gusto mo ng umuwi. Wag kang sasama kung kanino ha? Dito kita pupuntahan” He said and I just nodded.

Umalis na si Cedric sabay punta nung lalaki na kanina pa nakatingins saken.

“Hi, miss! Umalis na yung kasama, do you want me to join you?” he asked.

Gwapo siya, in fairness. May kalakihan din ang katawan. Kumbaga, isa siya sa masasabi kong physically perfect.

“Ow sure!” I replied.

Since wala akong kasama, why not entertain diba? Hindi naman yun masama. Kaya nga ako nandito para magenjoy at kalimutan ang problema sa bahay e.

“Two shots of vodka!” sigaw niya dun sa bartender at agad naman samen yung inabot.

I really feel dizzy. Umiikot ang mundo aba! Huminga muna ako ng malalim bago ako uminom.

“Ngayon lang kita dito nakita. A beginner, I guess?” he said.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon