Special Chapter 7

11.7K 270 14
                                    

How many special chapters do I need to write? Should I still call it special chapters or second book? Hahaha! Sorry na! This is just my way of saying my thank you. I love you, darlings! :*

-----

Halos mapalipad ko na ang kotse ko sa pagmamadaling makarating sa bahay. Tumawag sa akin si Tipsy habang umiiyak dahil pinagalitan daw ni Tyler si Drew. Hindi ko na naintindihan pa ang iba niyang sinasabi dahil puro hikbi lang ang naririnig ko sa kanya.

Ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng bahay namin at mabilisan pumasok sa loob ng bahay. Doon ko naabutan si Tipsy na iyak nang iyak sa living area. Sa single sofa naman nakaupo si Tom habang kalong si Demmy.

"What happened, ate?" humahangos kong tanong dito habang nakaluhod ako sa harapan niya. Marahan kong pinahid ang luhang patuloy na nadaloy sa pisngi niya.

"M-mommy!" himihikbing hiyaw nito at yumakap sa akin.

"Hush, princess. Nandito na si mommy. H'wag kanang umiyak. Ano ba ang nangyari?" mahinahon kong tanong at kumalas ako sa yakap nito. "Tell me, princess."

"S-si d-daddy!" Hindi maayos ng anak ko ang pananalita dahil habag na habag ito.

"Kuya tom?" tawag ko sa anak kong nakititig lamang sa ate niyang umiiyak. "Pakikuha naman si ate ng tubig, please."

"Sige mom," sagot nito sa akin bago bumaling kay Demmy. "Dito ka muna, Demmy. Kukuha lang si kuya ng tubig ni ate, ha?"

Nakita ko naman tumango lang si Demmy dito bago siya tuluyang tumayo at pumunta sa kusina.

"Ate oh!" agad na ibinigay ni Tom sa ate niya ang tubig at dahan dahan naman uminom si Tipsy.

"What happened, Princess. Please..." pakiusap ko rito.

"S-si daddy. Nasampal niya si k-kuya."

"What?" umalingawngaw sa buong salas ang boses ko dahil sa sinabi ni Tipsy. Doon ko lang narinig ang pagkabasag ng gamit sa taas.

"Stay here, Princess. Tom, ikaw muna bahala kay Demmy at sa ate. Aakyatin ko muna ang daddy ha?"

Hindi ko na hinintay pang makasagot sila at nanakbo na ako pataas. Dumeretso agad ako sa kwarto ni Drew. At napaawang ang bibig ko sa bumungad sa akin.

Habag na habag ang anak ko habang nagkalat sa buong kwarto ang libro, notebook, pens, frames, at isang basag na vase.

"Dad!" hiyaw ko nang makita kong nagdurugo ang kanang kamay ni Tyler. "Ano ba ang nangyayari ha? Ano 'to!" sigaw ko.

Sa halip na sumagot ay mas sinamaan niya lang ng tingin ang anak namin na patuloy lang sa pag-iyak.

"Dad ano ba?" hiyaw ko dahil hindi siya nagpatinag sa pagtingin kay Drew.

"Pagsabihan mo 'yang anak mong 'yan! Nanggigigil ako! Sumunod ka sa akin at tulungan mo ako sa sugat ko! Linisin mo 'yan Drew!" tiim bagang sigaw nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Mas lumakas ang iyak ng anak namin at talagang naawa ako rito.  Goodness!

"Kuya, ano'ng nangyari?" tanong ko sa anak kong patuloy lang sa pag-iyak. Umiling lang siya habang nakatungo.

"Hush! Tigil na kuya. H'wag kanang umiyak. Nan---"

"Taliyah! Ano ba? Hayaan mo siya diyan! Napakakalat diyan!" muling sigaw ni Tyler.

"Ayan na!" balik kong sigaw. "Kuya, maligo ka muna ha? Ipapalinis ko na lang 'yan kay ate Cora. Sige na." Inalalayan ko ito papunta sa bathroom. "H'wag kanang umiyak. Babalik si mommy. Gagamutin ko lang si daddy ha?" dagdag ko at hinalikan siya sa noo.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon