Special Chapter 3

13.1K 257 11
                                    

"Zen, nasaan si Bea?" tanong ko sa isang empleyado ni Tyler.

Nandito ako sa kompanya nila dahil susurpresahin ko si Tyler. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakakain ng tanghalian nang sabay. Since busy siya lagi sa negosyo kaya nag-decide ako na ipagluto na lang siya at dito na lang kami kakain sa opisina niya.

"Ma'am Taliyah, umalis po si Bea. Inutusan po yata ni Sir na bumili ng lunch."

Nakakaawa naman tunay ang asawa ko. Pati pagpunta sa restaurant ay hindi na magawa. Buti na lang talaga at dumating ako.

"Ah gano'n. Sige, papasok na ako sa loob. Wala naman sigurong bisita si Tyler 'no?"

"Wala naman po, Ma'am. Kakatapos lang po ng meeting ni Sir."

"Sige. Una na ko Zen. Salamat."

"Wala pong anuman, Ma'am."

Dumeretso na ako sa may pinto ng opisina ni Tyler. Sobrang natutuwa lang ako sa magiging reaksyon niya.

"Hahaha! Sabi mo steak ang ipabili ko. H'wag kang magreklamo kung matagalan."

"Hoy! Isang oras na kaya ang pinaghintay ko sa 'yo. Gutom na ako 'no!"

"Kasalanan mo. Buti nga hindi ko na tinapos 'yung meeting. Sana mamayang hapon ka pa diyan."

"Grabe ka naman! Ngayon na nga lang ako ulit nakadalaw eh. Hindi mo ba ako na-miss?"

"Hahaha! Seriously, Lein? 'Yang kaingayan mo lang ang na-miss ko."

"Hard!"

"Kaloko---Taliyah?"

Hindi na naituloy ni Tyler ang sasabihin niya nang mapansin niya ako sa pintuan.

What a beautiful conversation. Grabe! Touch na touch ako.

"Sana sinabi mo sa akin na pupunta ka rito," sabi nito at lumapit sa akin.

May surprise ba na sinabi agad?

"Balak ko lang sanang surpresahin ka. Kaya lang mukhang ako ang nasorpresa mo."

"Ah, Taliyah, it's not what you think. I just came here to visit Tyler. No monkey business." Narinig kong sabat ni Lein na nasa may tapat ng lamesa ni Tyler.

"Oh no! Don't worry, hindi ako nag-iisip ng gan'on. Kilala ko naman itong si Tyler. Sige! Sa inyo na lang 'tong niluto ko kasi baka nagugutom na rin ang asawa ko," sabi ko at nilapag ko sa lamesita ang dala kong pagkain na nasa paper bag.

"Taliyah," pagtawag ni Tyler sa pangalan ko. Hinawakan niya rin ang braso ko pero inilingan ko lang siya.

"I just really need to drop this by. Then, I'll go ahead. Alam mo naman si Tom, mag-iiyak 'yon kapag wala ako. Sige na. No hard feelings."

"Baby."

"Tyler ano ba? May bisita ka. Hindi ako galit, hindi ako nagtatampo. Okay lang ako. Aalis na ako at papakainin ko pa ang mga anak mo."

"Baby, anak natin. 'Tsaka sumabay kana sa amin. Alam kong magtatagal ka rito dahil sa suot mo."

"Tyler naman, kailan ba ako umalis ng bahay na nakapambahay lang. Kahit magdadala lang ako ng pagkain para sa 'yo, I should look presentable."

"Baby kasi."

"Nakakaloka ka! Okay lang ako. Nakakahiya na kay Lein. Aalis na ako. Please..." Please lang! Naiiyak na ako!

"Fine. Ihahatid na lang kita. Wait lang, Lein."

"No. I can just go, Tyler. Tutal nabisita na naman kita. Okay na ako. Sa labas na lang ako kakain. Taliyah, h'wag kanang umalis, ako na lang."

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon